CHAPTER 5
Kasalukuyan kaming nagpapahinga dito sa sala. Kakatapos lang naming kumain ng agahan.
"Kaizer buksan mo nga yung TV?Para kasing kinakabahan ako?" Wika ni Jessica at binuhay naman ni Kaizer yung TV.
'Isang hindi kapanipaniwalang mga pangyayari ang actual na navideohan ng ating mga kababayan kagabi sa isang Exclusive Village jan sa Manila,Heto at panoorin nyo'
"Sh1t!!"Mura ko
Kasalukuyang tumatakbo si Elaine sa likod na bahay at hinahabol sya ng liwanag,Kita rin ang pagliwanag ng katawan nya sa Video,Bigla na lang nagchange yung Video at kita naman si Yoona na nakatayo lang sa harap ng bintana,Malamang sa may gate ito nakunan dahil kita dito yung rehas nung gate namin. Hindi ako hagip sa video dahil hindi naman ako nakatapat sa bintana. Sunod na nakunan ay si Jessica sa may Terrace namin. Kita dito ang nagliliwanag na katawan ni Jessica.
"F*ck!" Mura ni Kaizer sya lang ang tanging hindi nakunan habang hinahabol sya nung Tattoo
"G-Guys? I think you need to see this? Where in trouble" Agad kaming napatakbo sa may bintana ng makita namin dun si Elaine na nakasilip.
"Anong gagawin natin!?" Nagpapanic na wika ni Jessica kaya nilapitan sya ni Elaine para pakalmahin.
Napakaraming tao sa labas ng bahay may mga sasakyan ng pulis din kaming nakikita at napakaraming reporters sa labas ng bahay.
"Y-Yung libro" Wika ko at agad tumakbo sa taas at kinuha yung libro sa drawer. Pasimple akong sumilip sa terrace ko at nanlaki talaga ang mata ko nang makita ko ang sasakyan ng mga sundalo o ng kung ano man yan. Hindi ko matanaw ang pinakadulo ng mga tao dahil puno ang kalsada ng mga tao. Meron din si kabilang bahay ang nakasilip sa bintana agad akong bumaba ng may makakita sakin sa kabilang bahay.
"Paano na parents natin?" Kinakabahang tanong ni Elaine.
"They didn't know about our parents,So possble na safe sila" Wika ko. Nilingon ko sila.
"Nakalock ba yung gate?" Tanong ko.
"Isara nyo lahat ng kurtina at siguraduhin nyong nakalock lahat ng pinto pati sa taas" Wika ko at akmang isasara na ang bintana sa likod ko ng bigla akong napatulala sa kawalan. Parang biglang lumiko liko ang paningin ko hanggang sa tumigil ito kay Nanay Lourdes at sa iba pang parents ng mga kaibigan ko. Hawak hawak sila ng mga sundalo at
kasalukuyan na silang patungo rito. Umiiyak,Nagmamakaawa at nasasaktan.Napaupo na lang ako sa sahig at napahagulhol sa mga nakita ko. Naglapitan sakin ang mga kaibigan ko at tinatanong kung bakit.
"Anong problema?" Tanong ni Yoona.
"Si Nanay Lourdes,Ang parents nyo. Nakita ko sa kung saan man napunta ang paningin ko. Hawak sila ngayon ng mga sundalo at papunta na sila dito. Umiiyak,Nagmamakawa at Nasasaktan." Paliwanag ko. Napatingin kaming lahat ng mapaluhod si Elaine.
"N-Naririnig ko sila. Umiiyak at nagmamakaawang pakawalan sila" Alam kong lahat na kami ngayon ay nagiiyakan. Hindi na namin alam ang gagawin namin.
"A-Ayoko na!!" Sigaw ni Yoona at napahiga na lang sa sahig.
"Kung sana hindi ko nakuha yung libro. E di sana hindi to lahat mangyayari!!" Sisi ko sa sarili ko.
"Walang may kasalanan,Sa nangyayari ngayon,Everything happened for a reason" Wika ni Kaizer kaya medyo tumigil na kami sa pagiyak. Walang luha sa mga mata ni Kaizer pero alam kong sa kalooblooban nya bumabaha na rin ng luha. Pinilit kong tumayo kahit nahihirapan ako.
"Kailangan nating maging matapang ngayon,Lalo na at baka mapahamak ang mga mahal natin sa buhay." Wika ko at pinulot ang libro.
Nakita kong nagpunas ng luha sina Elaine,Jessica,Yoona at si KK na may kaunting luha sa mata.
"A-Anong ginawa nyo?"Takang tanong ko. Nagkaroon ng Kumikinang na maliit na bato sa tabi ng mga mata nila pati na rin si Kaizer.
'Mga kakaibang nilalang magsilabas na kayo sa bahay na yan kung hindi sasaktan namin ang mga magulang nyo,Nais lang namin ng kapayapaan para sa Mundo namin kaya sumuko na kayo'
Napatakbo kaming lahat sa harap ng bintana upang makita sila. Nakaposas silang lahat at umiiyak.
"S-Sandali baka matulungan tayo ni Violet Hood" Wik a ko
"Sino yun?" Takang tanong ni Elaine. Hindi ko sinagot ang tanong nya sa halip ay pumukit muna ako.
'Ate na nakaviolet na hood,We need your help,Please!!'
Napahinga ako ng malalim ng marinig ko ang tinig nya sa tenga ko.
'Kanina ko pa kayo hinahanap pero hindi kita makita sa libro ko.Intayin nyo ako dadating ako'
Yun lang ang narinig ko at nawala na ang tinig nya
"Hindi sya agad makakarating hindi nya tayo makita,Ang tanging aasahan na lang natin ay kung ano ang kayo nyong gawin" Wika ko
"Ang alam ko lang ay makabas ng isip o marinig ng nasa malayo" Wik ni Elaine
"Ang alam ko lang ay makaramdam kung may masamang mangyayari" Wika ni Jessica
"Im not sure pero..." Nagulat na lang kami ng baliin ni Yoona yung braso at daliri nya.
"Tama na!" Sigaw ni Elaine na nakaiwas ng tingin.
"Hindi ko alam kung ano ang kaya ko"Wika ni Kaizer
'Last chance nyo na 'to sasaktan namin yung nagngangalang Lourdes pag di pa kayo lumabas'
Napapikit na lang ako ng mariin ng banggitin nila ang ang pangalan ni Nanay Lourdes. Huminga muna ako ng malalim
"Trust no one except ourselves or what can we do" Wika ko
Pumunta na kami sa harap ng frontdoor namin.Sana hindi kami mapahamak sa gagawin namin? Sana dumating na si Violet Hood?Please?
"Ready Team Elements!" Wika ni Kaizer at inilahad ang kamay sa gitna.
"Ready!" Wika ni Yoona at pinatong ang kamay niyng may Tatoo sa may tattoo din na kamay ni Kaizer.
"Ready!" Wika ni Jessica at ganun din ang ginawa nya.
"Ready!" Wika ni Elaine at ganon din ang ginawa nyam
Akala ko sisigaw sila ng Team Elements pero hindi. Tumingin silang lahat sakin
"Ergg!Ready!" Wika ko
"Team Elements!!"
________________________________________________
[Edited]
Voye and Comment are highly appreciated.
Follow me on Wattpad and read my other works.
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasíaIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...