Chapter 28:Help

8.1K 191 21
                                    

Yvonne POV

Maaga akong gumising ngayon dahil sa mga kalat na naiwan nilang lahat kagabi,Tinamad na akong magayos dahil antok na ako kaya ngayon ako magaayos habang maaga pa.

Marami akong natutunan sa pagtambay nila dito kahapon naguusap kasi silang lahat tungkol sa mga napagaralan nila kahapon at nakinig lang ako

Ayon sa kwento ni Blink,Kahihiyan daw ang pagiging Half Blood pero para sakanya isa itong karangalan,Proud daw sya dahil isa syang Half Blood,Patunay daw ito na kahit hindi magkatulad ang pinanggalingang lahi ng kaniyang magulang ay nagmahalan pa rin sila,Pero narealize ko na Warrior at Ordinary ay walang kahit na anong kakayanan,Kaya kahit na nakapagtataka ay pinabayaan ko na lang sya at kinalimutan ang naisip ko.

Pero kahit na alisin ko sa isip ko ay di ko magawa.Maaring hindi sya anak ng pangkaraniwang Warrior at Ordinary,Pakiramdam ko ay isang royal ang tatay o kaya ang nanay nya.

Isa pa sa pinag usapan nila ay tungkol sa akademyang ito,Ayon ulit kay Blink nilusob na daw ito ng Vampirious at halos mawalan daw nang pag asa ang nagaaral dito,Pero dahil nagtulungan ang lahat ay natalo nila ang Vamparious yun nga lang maraming bilang ng estudyante ang nalagas,Nalaman ko rin na ang Dyosa Shiranya ang naglagay ng barrier sa buong akademya para hindi na maulit ang nangyari 5 years ago.

Nagiisa na lang ang akademyang ito sa buong Elemental World at Climate World,Kaya lubos na pinangangalagaan ng lahat ang akademyang ito,10 taon din ito bago matapos,Kahit na may kapangyarihan ang tao dito noon di nila kinaya dahil sa kalakihanng akademyang ito

*tweet tweet*

Napatingin ako sa wall clock ng tumunog ito.

What the--!?!

It's already 8:00!!!?Geezz!Ano kayang sasabihin ng History teacher namin.

Dali dali akong naligo at nagayos ng sarili ko,Pusa!!Late na ako...

Ang layo pa nang tatakbuhin ko!!Haistt!

No choice ako kung hindi ang tumakbo ng tumakbo,

I wish I can teleport without any mistakes---

"Aaaahhh!!"Sigaw ko at wala sa sariling napa preno ako sa pagtakbo

Kailan pa nagka dead e--Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang portrait na nakasabit sa pader

Gosh!!Nasa room na ako!

Kagat labing napapikit ako nang maramdaman ko ang mga tingin nila sakin,Shocks!!Anong sasabihin ko

"Ms.Yvonne mukang napakabilis mo naman yatang tumakbo?Katulad ka rin ba ni Blink?"

Only royals lang daw kasi ang kayang magteleport,So it means Im doom

"Ahehe..Siguro po?"Patanong na sagot ko

"You may seat"Wika nya

Napahinga ako ngaluwag dahil sa nangyari.

Tahimik na umupo ako sa upuan ko at nakinig sa lecture nya,Sumusulyap din sakin si Blink na parang nagtataka din

After ng history class namin ay lumapit sakin si Blink at may gulat na ekspresyon.Nakakatakot din ang mata nya dahil sa pahiging puti ng kaniyangata at nakatingin lang sya sa kawalan

"Yung kanina...Napakalakas ng enerhiya mo...Hindi ko alam kung paano mo naitago sa kanila...Pero ramdam ko...Hindi ka lang Air user"

"Blink?"Tawag ko sakanya at para syang nabuhusan ng malamig na tubig

"O bakit ako nandidito?"Nakakunot na tanong nya sakin

"Oh anjan na yung Teacher natin"Wika ko at tinulak na lang sya,at binalewala ang sinabi nya kanina.

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon