Chapter 12‡ Divine Healer

37 15 0
                                    


Miria Piore POV

"So yun nga po lola ang dahilan kung bakit ako nandito. I need to get stronger as fast as I can in a month for the tournament. Ayoko pong maging pabigat sa mga teammates ko." Sabi ko kay lola at nagbow pa ako sa kanya para intense.

"Tumingin ka sakin, Miria." Inangat ko ang ulo ko gaya ng sabi ni lola. Nakita ko ang ekspresyon niya at 'yon ang pinakaalam kong ekpresyon ni lola kapag hindi niya ako mapagbibigyan.

Nalungkot ako bigla at napakagat sa labi. 'Wag kang iiyak Miri! Waaah wala pa nga sinasabi si lola, tatalsik na yata ang puso ko sa kaba.

"Pasensya na Miria, kinakailangan ko bumalik sa Council House sa madaling panahon, hindi kita kayang pagtuunan ng pansin para sa training na kailangan mo." Malungkot nitong saad sakin.

"Pero-"

"Miria, alam ko na gusto mong mag-training para sa mga kaibigan mo." Nginitian ako ni lola.

"Pero lola, ngayon, ngayon gusto ko talaga mag-training para sakin. Kumpara sa kanila ako ang pinakamahina." Masakit man pero 'yan ang totoo. Sa tournament na dadarating ako ang malamang na pinakaunang mamatay. Ayoko pang mamatay! Sayang ang kagandahan ko.

Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni lola. Mas napadiin pa ang pagkagat ko sa labi ko. Hindi ako iiyak, walang mangyayari kapag umiyak ako.

"Kung ganun, bakit hindi si Ziel ang tanungin mo," Mabilis ako napatingin kay lola at kay Ziel na mas bumusangot ang mukha.

"Meister, apprentice mo lamg din ako at hindi-" Hindi na natapos ng masungit na si Ziel ang sasabihin niya dahil kay lola.

"Ano sa tingin mo, Miri? He may just be my apprentice, pero maari ka niyang tulungan sa training mo." Sabi ni lola at medyo natatawang pabalik-balik ang tingin sakin at kay Ziel.

"Pero, lola-"

"Okay, it's settled. Ziel, ikaw na ang trainor ni Miri."

"Meister!" Napatayo si Ziel sa pagkakaupo niya. I frowned at him. Akala mo naman gusto ko din ang nangyayari, makapag-react siya kala mo pinagpipilitan ko na siya ang maging trainor ko.

"Tama na. Ito ang utos ko bilang Meister mo at bilang lola ni Miri." Sumimangot nalang ako at 'di na nagsalita pa. I don't have a choice. At kahit masungit 'yang Ziel na 'yan ay kailangan ko siya para mag-train sakin. Kahit na mukhang ayaw niya sakin.

"Tsk. Kung ganun Meister, ako ang magiging trainor niya. Ibig sabihin, ako ang bahala sa training niya." Sabi nito at sabay ngisi sakin. Inirapan ko siya.

"Obvious ba?" Nakakaasar kasi eh, kailangan niya bang sabihin ng ganun?

"Ganun nga." Sabi ni lola at tinapik sa balikat si Ziel.

"Simulan na natin ang training." Sabi nito sakin at ngumisi ng nakakaloko. Lagot, balak yata akong pahirapan nito.

††††

"Isusulat mo ang pangalan ng mga herbs at ang gamit nila." Nanlaki ang mata ko sa kanya at tiningnan ang makakapal na libro na nasa lamesa sa harap ko.

"Pero nakasulat na nga sa libro eh, bakit ko pa isusulat?" Pagrereklamo ko sa kanya. Tinaasan ako ng kilay nito at ngumisi.

"Gawin mo 'yan ng isang araw. Lahat ng pahina ng bawat libro kopyahin mo. Hindi ka lalabas hangga't hindi mo tapos."

"Huh?! Ayos ka lang? Nakikita mo ba na ang kapal ng mga libro na 'yan? At anong kinalaman ng pagsusulat sa training? Yung totoo, pinapahirapan mo lang ako." I said and glared at him. Inis itong tumingin sakin.

CRUX ‡ The Secret LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon