Chapter 30‡ Chaos is Stirring

16 6 1
                                    


"Ang alpha vampire na yun ay hindi napapatay dahil sa may iniinom siyang potion." Sabi ng lalaking hunter.

"Potion?" Lumapit si Hana saming dalawa at mukhang interesado din siyang marinig ang sasabihin ng hunter.

"Minsan may dumadating din na mga tao, pero hindi sila mga bampira. Sa tingin ko katulad niyo sila." Sabi ng babaeng hunter.

"Teka, sini nga ulit kayo?" Pa-ika ikang lumapit samin si Shiro.

"Ako si Ryan James. Isa akong half-vampire." Sabi niya. Mukhang gumaan na ang pakiradam niya dahil sa paggamot ni Erphie. Hindi na siya kasing putla katulad kanina. Even though he's still a half-vampire and he's still pale looking.

"Ikaw?" Tanong ni Shiro sa babaeng hunter.

"Ako ba?" Nakangising sagot nito. Buti nakakangiti pa siya. Well, the vampires aren't around anymore so we can be at ease.

"Hindi. Yung sahig." Nakangising sinabi ni Shiro. Napailing na lang ako. Nakasimangot na tumingin ang babae kay Shiro at tumingin samin.

"Ako si Trish Leigha. Isa akong banshee."

"Ano yung banshee, Clauss?" Biglang lapit sakin ni Miri.

"Bihira ko marinig yun. So you're a reincarnated spirit?" Tanong ko sa kanya. Ang mga banshee kasi ay mga female spirits. They wail when someone is going to die. I could only conclude that she was once a spirit na nareincarnate.

"Oh yes! Pero hindi ko natatandaan ang past life ko hehehe konti lang." Ngumisi siya samin at napunta ang tingin niya bigla kay Clyde at Eury na nagdradrawing ng teleportation circle. I wasn't wearing my glasses so I clearly see her eyes dilating. Napangisi ako bigla. May fangirl na naman si captain. I could see the reflection from her eyes, and its focus is, heh..

"Anyway, vampires can't make potions. Alam niyo ba kung sino ang nagbibigay ng potion? Saan 'to galing?" Napahinto si Ryan sa tanong ni Hana. Napahawak pa siya bigla sa ulo niya.

"Sinubukan ng alpha vampire na burahin ang alaala ko kaya hindi ko medyo matandaan pero may naalala akong isang insignia." Sabi niya pa habang iniisip ito.

"Ikaw Trish nabura din ba ang alaala mo?" Tanong ni Shiro kay Trish.

"Oo nga, wala ako maalala. Kaasar na bampira talaga yun." Sabi niya.

"Bakit ka ba kasi sumunod kay Ryan? Buti na lang 'di kayo pinatay." Seryosong tumingin si Trish kay Miri and her demeanor changed so suddenly.

"'Pag mahal mo talaga hahabulin mo." Bigla siyang binatukan ni Ryan ng malakas.

"Aray Ryan! Ansakit nun ah.." Sabi ni Trish at biglang tawa. I don't know how to describe her really. Ngumiti na lang ako sa kanya and she flutters her eyes as she grinned back at me.

"Pagpasensyahan niyo na hindi ko napainom ng gamot." Sabi ni Ryan ng seryoso.

"Bakit? May sakit ba siya bro?" Nagtatakang tanong ni Shiro.

"Okay ka lang ba?" Dagdag pa ni Miri na tinawag pa si Erphie para tulungan si Trish.

"May potion ako para sa sakit ng ulo." Sabi pa ni Hana.

"Yaaay very bad! Hindi po ko nababaliw, humuhugot lang." Sabi ni Trish habang nakatingin saming lahat, Ryan included.

"Hugot? Anong hinuhugot?" Napatingin kaming lahat kay Eury at Captain na lumapit na pala samin.

"The insignia what does it look like?" Captain suddenly asked. Napalingin ako bigla sa todong ngiti na si Trish na nakatingin kay Clyde. And to think that she almost died. Humans, I can't understand them. It couldn't be love at first sight, right? Sera would laugh at that.

CRUX ‡ The Secret LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon