Chapter 13‡ Drace

39 15 0
                                    

Hana Drace POV

"Hinahanap ka ni papa, pumunta ka sa kanya." Tahimik akong tumango at sinunod ang sinabi ng kapatid ko. My half-sister who did nothing the whole time na nandito ako kundi tingnan ako ng masama. I sighed and shook my head.

I'm back home, finally. Kailangan ko ng training para sa darating na tournament. But in all honesty, ayokong bumalik dito.

"Meister Baron," Isang beses lang akong kumatok sa pintuan ng study niya. Alam na naman niya agad na ako ito. Bumukas ng mag-isa ang pinto at pumasok ako.

"Pinapatawag niyo daw po ako." Seryoso at walang emosyon na pagkasabi ko.

Tinaas ng lalaki na nasa harap ko ang kamay niya at tumango ako at sinunod siya. Umupo ako sa isang sofa sa loob. Seryoso lang din siya at walang halong kung anong sabik sa pagbalik ko ang makikita sa kanya.

Sabagay, kelan pa ba natuwa si papa na makita ako? Nakatingin lang ako sa carpeted floor. Hindi ko kaya iangat ang tingin ko.

"Hinahanap mo si Papa, hindi ba?" Mabilis akong tumango. I went back home in hope na nandito ang lolo ko. I wanted to ask him to train me for the tournament. Because, if that wasn't the case, bakit ako babalik ng bahay? Ah wait, mali, bakit ako uuwi sa bahay nila?

"Yes, Meister. I wanted to ask him something." Tumingin na ako sa kanya pero iniiwasan ko na magtagal na nakatingin.

As expected, madami akong naalalang hindi maganda tuwing bumabalik ako dito.

"Wala siya dito. Nagkaroon ng meeting sa council, pinabalik siya." Hindi ako sumagot. Kung ganun, walang saysay ang pagpunta ko dito. It looks like I have to train myself.

"Salamat Meister. Then I should go back now." Magalang na pagsabi ko at tatayo na sana.

"Ganun mo ba kaayaw sa bahay na 'to, Hana?" Parang naestatwa ako bigla.

"Umupo ka Hana 'di pa tayo tapos nag-uusap." Wala parin akong imik na bumalik sa upuan ko kanina.

"Why did you come back so suddenly?" I gulped once. Kaya ni papa alamin kung nagsisinungaling ako. To lie to him? I dare not.

"For training, Meister." Mabilis na sagot ko.

"Pinadalhan ako ng sulat ng academy, nabasa ko lang kanina." Napakuyom ako ng kamay. Of course headmaster would send letters back home. Why didn't I think that my father is the lord of our house.

"Pasensya na po, hindi ko po ginusto na makasayang ng oras niyo." Simula pagkabata, I always am treated coldly by him. Siguro dahil sa anak niya ako sa labas or sa hindi ko alam na dahilan. The first time I tried to call him 'papa', I could still remember kung gaano kalamig ang tingin ng mga mata niya.

Nagulat ako ng mapabuntong hininga siya na parang may nagawa na naman akong mali.

"You can stay and train here. Gamitin mo ang library or ang training room." Hinintay ko kung may 'pero' na kasunod pero wala, wala ang inaasahan ko.

"Wala pong condition?" Tanong ko.

"You're still a Drace. Act like one sa dadarating na tournament." Tipid akong tumango. My father stood up at tumayo narin ako at umalis na.

Of course the tournament is the catch. I shouldn't have gotten my hopes up for nothing. Kelan ba kami magkakaheart to heart talk ni papa, baka siguro pag gumunaw na ang lahat.

"Thank you, Meister." Mabilis akong umalis sa study ni papa. Habang naglalakad ako papuntang library nakasalubong ko si Rebecca, my half sister.

"Bakit nandito ka pa din?" Isang pilit na ngiti ang ginawa ko pagkharap kosa kanya.

CRUX ‡ The Secret LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon