Chapter 25‡ The Ball

21 9 2
                                    

Miria Piore POV

"Ang ganda nyo!" Todo ang palakpak ko sa kanila. Nasa kwarto kami ni Hana nag-bihis at planong mag-ayos. Hindi ako makapaniwalang mamaya na ang ball. Wala pa nga kaming tulog. Buti na lang natural na maganda na 'ko.

"Gusto mo lang ng puri pabalik eh." Sumimangot ako sa sinabi ni Hana at inirapan siya. Tinwanan lang niya ako.

"We really look different, don't we?" Natawa ako kay Eury na nakatingin sa salamin. Para pa ngang ayaw niya sa suot niyang asul na ball gown, kahit bagay naman sa kanya.

"You look beautiful, Eury. Pero ngumiti ka naman." Sabi ni Hana sa kanya at pinaupo siya sa harapng dresser. Si Eury kasi ang unang aayusan dahil mahaba ang buhok niya. Napahawak ako sa buhok ko bigla. Nasa lahi na yata namin ang matagal humaba ang buhok. 

"It's just weird." Nagkatinginan kami ni Hana at sabay natawa. Nakuwento na samin ni Eury na ang lolo lang niya ang nagpalaki sa kanya kaya hindi siya sanay sa mga ganito.

"Pero si captain ang ka-date ayiee!" Pang-aasar ko sa kanya. Binawian naman niya ko ng ngisi.

"At si Ziel ang date mo?" Sabi niya na ikinapula ng mukha ko.

"Wag ka nga Eury. Wala lang kasing kilalang babae 'yon sa school kaya ako niyaya niya." Sabi ko sa kanila. Hindi ko din inaasahan na yayain ako ni sungit sa ball. Baka nasapian ng mabait niyang familiar.

"Basta ako si Ren ang ka-date ko." Sabi ni Hana samin.

"Who's Ren?" Tiningnan kami ni Hana ng 'di makapaniwala.

"Hello, guys, si Fhyto? Ren Fhyto?" Sabi nito saming dalawa.

"Ah, Ren pala ang pangalan niya." Sabi ko sa sarili ko.

"Why isn't Shiro your date?" Tanong bigla ni Eury kay Hana. Napahigpit bigla ang hawak niya sa buhok ni Eury. Nanlaki ang mata ko kasabay ng kay Eury.

"Bakit naman ako makikipag-date sa unggoy na 'yon?" Huhuhu nakakaawa yung buhok ni Eury. Napangiwi na lang ako sa nakikita ko.

"Okay. Okay. Don't murder my hair." Medyo natatawa na ako sa expression ni Eury. Maybe if Hana's not her friend, baka naging taong yelo na si Hana.

"Hala, sorry Eury." Natauhan din si Hana at inayos na uli ang buhok ni Eury.

"Hindi naman pati kasi ako niyaya ni Shiro." She added. Natahimik kaming tatlo. Naubusan na yata kami ng topic.

"Buti pa si Clauss ang saya ng lovelife." Pag-share ko sa kanila. Hana agreed by nodding her head.

"Akala ko talaga may gusto sayo si Clauss, Miri." Nag-acting ako na parang nasusuka at natawa.

"Ano ka ba Eury. Step-brother ko kaya si Clauss." Natawa kami ni Hana sa gulat na mukha ni Eury.

"Seryoso? Akala ko talaga," Hindi ko naman siya masisi. Hindi naman talaga namin sinasabi na lang bigla-bigla ang katotohanan na 'yon.

"You didn't ask, that's why." Sabi ni Hana sa kaniya.

"Nag-asawa ulit ang mama ko at 'yon ang papa ni Clauss." Pagpapaliwanag ko.

"At isa pa, Eury. May girlfriend si Clauss, 'yon ang date niya ngayon." Dagdag pa ni Hana.

"And here I thought he's innocent." Natawa kami sa seryosong mukha ni Eury.

"Ako din naman nung unang beses kong nalaman. Akala ko talaga sila ni Miri." Natawa na lang ako sa pagkwekwento ni Hana. Matagal na panahon na din pala 'yon. Pero syempre mas masaya ngayon dahil nandito na si Eury. At kahit masungit yun minsan, este madalas, nandito na din si Ziel.

CRUX ‡ The Secret LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon