Chapter 23‡ Student Council Circle

18 8 1
                                    

Margaux Eurydice Kentra POV

"Seriously?" I groaned inwardly.

"Nakakapagod kaya maglakad. Wala naman tayong nakakasalubong." Pagrereklamo ni Shiro sabay upo sa natumbang puno. What are the chances, right? That there's a tree.

"We have a deadline." I mumbled to myself. Halos mapasapo na ako sa ulo sa pag-iisip. I glared at the both of them. It must be great to forget everything.

I looked at Clyde and he shrugged his shoulders nonchalantly.

"Kung hindi lang kayo nakakalimot- Fine! We'll take 30 minutes as a break." I said and leaned on a tree with my arms crossed.

Clyde sat beside Shiro and they started to talk about something. I silently watched them. Paano kaya namin makikita ng mas mabilis sila Clauss? Damn it. Worst case scenario, ang opponent namin ang makahanap sa kanila. Sana lang hindi mangyari yun. Sana ayos lang sila.

"Eury, may naalala ako ng konti dahil sa potion." I was pulled out of my thoughts because of what Shiro had said. It must be what they're talking about earlier.

Lumapit ako sa kanila. I weaved some magic and made a chair out of the earth. Ginawa ko ito sa harap nila at naupo.

"Ano yun?" I said.

"Brutal." I looked at him and then at Clyde. I must've been gaping at him in disbelief.

"What?" I said. Medyo natatawa na 'ko kasi ang seryoso niya ng sinasabi niya yun.

"Hindi ko din alam pero feeling ko madaming beses na akong napalo." I held myself from laughing. It seems like na-trauma na siya sa mga palo ni Hana. Kahit nakalimot na siya, natatandaan pa din niya na masakit si Hana pumalo.

"Sorry." I kept myself from laughing outloud. Nakatingin lang sila sakin ng seryoso.

"Well, at least may naalala ka." I said and cleared my throat.

"Binubugbog ba 'ko dati?" Tanong ni Shiro.

"No. Maiintindihan mo din." Sabi ko na lang.

"Eh ikaw bro, anong naalala mo sa pag-inom ng potion?" Shiro glanced at Clyde. Napatingin din ako kay Clyde.

"When I got around, I thought of her. When I drank the potion, siya lang din ang naisip ko." Clyde peered at me with his calm unfazed eyes. I unknowingly smirked to myself. Even when he had forgotten, the same unfazed eyes looks ever so calm.

"Wow bro! Pag-ibig nga naman hahahaha." I frowned at Shiro. Clyde snickered at Shiro. 

"It's because we've been each other's company for a long time." I reasoned out to Shiro.

"Ahahaha ayos lang naman. Gwapo naman 'to si bro." Inakbayan niya bigla si Clyde at nginisian ako. I sighed and shook my head lightly.

"Whatever. Sana makaalala na kayo." I muttered in a low tone.

††††

Miria Piore POV

"Ayos ka lang ba?" Naiilang na tumango-tango na lang ako kay Max Hanson na nakalimot. Ang bait-bait niya kaya ang awkward. Kung bibigyan ko lang talaga siya ng award, siya ang pinakamayabang sa buong Nimbus Academy. Huhu! Bakit siya ang nakahanap sakin?

Hindi na lang ako magsasalita para kunyari pipi ako. Tinulungan niya ko tumayo. Hindi ko alam kung bakit ako nakatulog. Ang naalala ko lang ay kinain kami ng lupa. Literal na nilamon ng lupa.

"Okay ka lang? Alam mo ba kung bakit tayo nandito?" Bigla niyang tanong. Tumingin siya sakin dahil sa pinangangatawanan ko nga na hindi ako nagsasalita.

CRUX ‡ The Secret LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon