Chap. 3

19.5K 378 10
                                    

Araw ng Sabado, maagang nagising si Joaquin. Tuwing sabado nakasanayan na n’ya ang magjogging. Palabas pa lamang s’ya ng gate nang makasalubong n’ya si Pipay.

“Good morning, Sir.” Bati ni Pipay habang bitbit ang walis at dustpan.

      

“Good morning.” Sagot n’ya sa katulong. Napahinto s’ya sandali at nilingon si Pipay. Hindi s’ya sanay na di man lang ngumiti si Pipay sa kanya. Kasi kahit naiinis si Pipay sa kanya ngumingiti parin ito.

“Pips, wala bang smile d’yan?” Ang sabi n’ya.

Humarap lang si Pipay na para bang hindi naunawaan ang sinabi n’ya. Na natiling nakatingin lang sa kanya. Nilapitan n’ya si Pipay at pinisil ang magkabilang pisngi nito.

“Arayyyy!!!!” Sigaw ni Pipay.

“Ang mahal ng ngiti mo...magkano ba ‘yan? Pabili naman.” Ang sabi ni Joaquin.

“Humanap ka na lang ng clown mo!” Singhal ni Pipay.

“Ay Boss Pipay, ang taray mo.” Sabay pitik ni Joaquin sa ilong ni Pipay.

“Joaquin sumusobra ka na! Sinisira mo ang araw ko...” Mangiyak ngiyak si Pipay sa sakit ng ilong.

“Oh, Okay. Araw mo naman ang masisira...hindi sa akin. WALA AKONG PAKIALAM!”Agad tumakas si Joaquin dahil itinaas na ni Pipay ang walis.

Tumatakbo si Joaquin na tumatawa dahil naisahan na naman n’ya si Pipay.

“Joaquin, humanda ka! Isusumbong kita sa Mamita mo!!!!” nagpapadyak sa inis si Pipay.

----------------------------------------------------------

Nang bumalik si Joaquin gising na ang lahat ng tao sa bahay. Pumanhik muna s’ya sa kanyang silid at nagpahinga ng sandali. Nagshower s’ya at pagkatapos nun ay bumaba s’ya para mag-almusal.

Muli n’yang nasalubong si Pipay sa dining area.

Umiwas si Pipay sa kanya. Bigla n’yang hinawakan ang braso ni Pipay.

“Saan ka pupunta? Akala mo makakatakas ka?” Nakangiti na naman s’ya.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon