Chap. 22

12.9K 319 16
                                    

Nagising si Selene sa ingay ng ibang pasahero. Ilang araw din s’yang bumiyahe..mula sa isang barko lilipat muli sa isang barko. Hindi n’ya alintana ang pagod.

Pakiramdam n’ya mas nakakapagod maalala ang lahat ng kabaliwan n’yang ginawa sa buhay.

Gusto n’ya marating ang lugar ng kanyang Abuelo.

Hindi man pamilyar kay Selene ang paligid, ngunit sadyang malakas ang kanyang loob. Isinantabi n’ya ang kaba.

Sa unang pagkakataon masusubukan ni Selene ang kumain sa mga karinderia.

“Anong gusto mo Miss?” - tanong ng tindera.

“Tapsilog po.” - Selene.

Agad kumain si Selene. Napansin n’yang nakatitig sa kanya ang mga taong napapadaan sa kanyang harapan. Saka lamang n’ya napansin nakasuot pa pala s’ya ng uniporme ng pangkatulong.

Hindi n’ya naisipang magpalit sa loob ng ilang araw. Lutang na lutang ang kanyang utak mula nung araw na umalis s’ya sa mansyon ni Joaquin.

Muling bumiyahe si Selene. Sumakay s’ya ng pampasaherong jeepney. Sadyang malayo ang bayan ng kanyang Abuelo. Ngunit kailangan n’yang makarating doon.

Apat na oras ang tinakbo ng jeep. Sa tingin ni Selene, kung hindi dahil sa kanyang kabaliwan hindi n’ya mararating ang lugar ng kanyang lolo.

Huminto ang jeep sa harap ng isang malaking bahay. Ang Ancestral house ng mga Fontemayor. Palibhasa napakalayo nito; kaya hindi na napupuntahan ng pamilya Fontemayor. Mabuti nalamang at naalala ni Selene na balikan ang bahay na ito at di mauwi sa limot.

Tanging nakatira lamang dito ay ang tagapangalaga ng bahay at ng kapirasong lupa, ang mag-asawang Ben at Letty. Sila ang dating yaya at driver ng mga Fontemayor.

Hindi narin pinapansin ang ari-arian nila sa lugar na ito dahil napakaliit lamang ito, ikumpara sa kanilang mga Hacienda.

“Yaya Letty! Yayo Ben!” Sigaw ni Selene.

Sa lakas ng sigaw ni Selene ay lumabas ang isang matanda na nasa edad na mid- 60’s

“Senyorita Selene!” Sigaw din ni Aling Letty.

Nang marinig ni Mang Ben ang sigaw ng asawa; agad din itong lumabas sa bahay.

“Senyorita!” Natataranta ang dalawang mag-asawa na salubungin si Selene.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon