Chap. 24

13.2K 298 4
                                    

Nagulat si Selene sa sinabi ni Aldrin. Nagpupumiglas si Selene na makawala sa kamay ng binata. Ngunit napakahigpit ang hawak sa kanya.

“H’wag kang mag-iinarte, Fontemayor. Kung ayaw mong masaktan!” - Aldrin

“Walang hiya ka! Ano ako aso para hilain mo ng ganito?! At pagsasabihan mo ng ganyan..HINDI MO AKO PAG-AARI!!!”

- Selene.

“Sakay! Sumampa ka sa sa Kabayo, dali!” Utos ni Aldrin. Hindi alam ni Selene kung bakit napasunod s’ya ng binata.

Nang makasakay si Selene, sumampa rin si Aldrin. Agad naman pinatakbo ni Aldrin ang kabayo.

“Saan mo ako dadalhin?!” - Selene.

“Sa palasyo ko!” - Aldrin.

Dinala ni Aldrin si Selene sa kanyang Villa. Lahat ng mga kasambahay ay nagulat nang makitang may kasamang babae ang kanilang amo.

Nang makababa sila, muling hinawakan ni Aldrin ang braso ni Selene.

“Pwede ba, kung may balak ka lang naman nai-tour ako sa kaharian mo..HINDI AKO INTERESADO!” Singhal ni Selene.

“Tumigil ka Fontemayor! Ba’t ba putak ka ng putak! Pinaglihi ka ba sa inahing manok?!” Nakakunot noong sinabi ni Aldrin.

Dinala ni Aldrin si Selene sa loob ng bahay.

Nakaupo sila sa isang mahabang sofa.

“Fontemayor, bakit ka pa bumalik dito sa lugar na ‘to? Dapat wala ka na dito. Gusto mo bang magkagulo ulit ang pamilya natin?” - Aldrin.

“Kung ano mang hidwaan ang meron sa pamilya natin..WALA AKONG ALAM..Ito lang ang gusto kong iparating sa ‘yo..KUNG GUSTO KONG BUMILI NG MGA LUPAIN DITO..WALA KANG MAGAGAWA..” - Selene

“Pamilya namin ang humahawak sa buong lugar na ‘to. Hindi ka ba natatakot?” - Aldrin.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon