Chap. 30

13.9K 336 55
                                    

Chap. 30

 

 

Hindi maunawaan ni Selene kung bakit kailangan n’ya pang magkaroon ng alalay. Pumunta s’ya sa bintana at nakita ang kanyang kapatid at si Drake na paalis.

“Iris...Drake! Wait!” Sigaw ni Selene mula sa bintana. Agad bumaba si Selene at pinuntahan ang dalawa.

 

 

“Saan kayo pupunta? Gabi na.” Tanong ni Selene sa dalawa.

 

 

“Haler, uuwi na kami sa aming love nest.” - Iris

 

 

“Ibig n’yong sabihin may bahay kayo? Hindi na kayo nakatira dito?” - Selene

 

 

“Natural. Mag-asawa na kami. At kahit malaki pa itong bahay ng lolo mo gusto namin ng PRIVACY.” - Drake

 

 

Kumunot ang noo ni Selene.

 

 

 

“Ibig sabihin mag-isa lang ako dito? Wala akong makakausap na matino.” Turo ni Selene sa sarili.

 

 

 

“Yup. H’wag kang mag-alala kasama mo naman ang bagong alalay mo. Ciao!” - Iris

 

 

 

“Oh my God! Please..don’t leave me here. I can’t take it. I don’t want to spend my day with that guy!!!”

 

Nagpapadyak pa ang mga paa ni Selene.

 

 

Ngumiti na lamang ang dalawa at tuluyang iniwan si Selene.

 

 

 

“Drake! Iris!” - Sigaw ni Selene. Nang humarap si Selene..

 

 

Nagulat s’ya sa taong nasa kanyang likuran..

 

 

 

“Gyaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!” - Selene

 

 

 

“Senyorita, saan po kayo pupunta?” - Aquinito.

 

 

 

“H’wag kang lumapit sa akin..Please lang...don’t move!” dahan dahan humakbang si Selene..agad tumakbo..

 

 

 

Naiwang nakatayo ang alalay ni Selene.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon