Chap. 17

13.3K 309 5
                                    

Nang makapasok sina Joaquin sa loob ng bahay. Ibinaba ni Joaquin si Pipay sa sofa. Mabuti nalang at dumating si Belle.

“Naku, Pipay napaka lampa mo talaga. Di ba’t noon hinilot narin ang paa mo ni Sir? Tama talaga si Drake, minsan tatanga tanga ka nga. TANGA ka nga kung maglakad.” - si Belle.

Sinamaan ng titig ni Pipay si Belle.

“Spell inggit B- E-L-L-E”. - si Pipay.

“Aba, akala mo ikaw lang ang marunong mag-spell..spell lampa P-I-P-A-Y!” sabay irap ni Belle.

“Hoy, magsitigil nga kayo! Pwede ba, pumunta na kayo sa mga silid n’yo. ” Singhal ni Joaquin sa dalawang babae.

Iniwan sila ni Joaquin.

“Pipay, ano naman kasing kabalbalan ang ginawa mo? Alam mo ba, kahit anong ipakita ni Sir sa ‘yo h’wag kang maniwala. Dahil hindi mo sigurado ang takbo ng utak ng mga lalaki. Lalo na’t amo natin siya. MARAMI KAYA D’YAN NADIDISGRASYA NA MGA KATULONG DAHIL SA MGA AMO. Kahit pa binata pa sya at dalaga ka...GIRL hindi mo s’ya kalevel. Kung ayaw mong matapon sa BASURAHAN ang puso mo..SI DRAKE ANG PILIIN MO. SWAK na SWAK ‘yon.”- Belle.

Tahimik lamang si Pipay.

“ Girl, wish ko lang sa ‘yo..SANA MAGISING KA NA SA KATOTOHANAN. Kasi si Drake may kasiguraduhan ka; si Sir Joaquin wala kang aasahan. ” Dagdag ni Belle.

“ Belle, alam ko naman ang sinasabi mo. Salamat.” - si Pipay.

Tumayo si Pipay at dahan dahang lumakad papunta sa kanyang silid.

Samantala, tumawag si Kevin kay Joaquin

( Aquin, lalakad kami papuntang Hacienda Fontemayor..sumama ka na.)

“ Alam mo, ang kulit mo.”

( Aquin, h’wag mo namang ikulong ang sarili mo sa trabaho. Minsan kailangan mo ring magpahinga. Para hindi mo mapanaginipan ‘yong imaginary girl mo..hindi naman totoo ’yon eh. )

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon