Chap. 13

14K 319 12
                                    

Chap. 13

Joaquin's POV

Pinapatay ko ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Nandito ako sa opisina ko. Tanging ang ilaw ng laptop ko ang nagsisilbing liwanag sa akin. Panaka nakang tinitignan ko ang orasan. Naghihintay ako ng tawag ni Pipay. Hindi ako mapakali kung saan s'ya dinala ng lalaking 'yon. Naiinis ako...Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi ko maunawaan kung bakit ang laki ng tiwala ni Pipay sa Drake na 'yon. Nakaubos na ako ng 3 tasang kape sa paghihintay kay Pipay. Ilang beses ko na s'yang tinawagan hindi naman sumasagot.

Umabot nalang ng 11 : 40pm wala man lang akong nakitang sasakyan na huminto sa harapan. Malakas pa naman ang ulan. Halos hindi mo marinig ang tunog ng mga sasakyang dumaraan.

Nakadama ako ng kaba. Kaya pumunta ako sa cctv monitoring room. Inabutan kong tulog ang guard. Gusto ko sanang magalit ngunit nagbago ang isip ko..nang makita kong may nakaupo sa gilid ng gate.

Ginising ko ang guard para makita kung sino ang nakaupo sa gilid ng gate...at nakita ko si PIPAY...Agad akong umalis at tinungo ang gate..

Nakahandusay si Pipay sa semento. Basang basa si Pipay sa ulan. Binuhat ko s'ya. At pumasok sa loob. Agad naman lumiwanag ang buong mansion. Sinalubong ako ni Belle.

"Pipay!" Sigaw ni Belle.

"Belle, buksan mo ang guest room." -Ako

Putlang pula ang mga labi ni Pipay. At nanginginig s'ya. Marahil matagal na s'yang nasa labas. Gusto kong magalit pero kanino?sa sarili ko? O sa lalaking kasama n'ya?

"Bihisan mo si Pipay, Belle." Utos ko.

Umakyat ako sandali at nagpalit ng damit. Nang bumalik ako maayos na si Pipay.

"Ako na ang magbabantay sa kanya." Nakatingin si Belle sa akin. Para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

" Ah...sige po. Kung ano man ang kailangan n'yo tawagan n'yo nalang ako." Agad umalis si Belle.

Nang umalis si Belle, naupo ako sa sofa na katabi ng kama. Nakita kong nakatabi ang makapal na salamin ni Pipay sa side table. Pinagmasdan ko si Pipay..ngayon ko lang napansin ang GANDA ni Pipay. Hindi ko napigil ang sarili ko di s'ya lapitan . Parang may isip ang kamay ko na haplusin ang kanyang mukha. Nang biglang...

" Drake.....Drake... Drake"

Napapikit ako at naikuyom ang aking mga kamay. Kahit ba sa pagtulog ni Pipay ang lalaking 'yon ang iniisip n'ya? Agad akong tumayo at lumabas sa silid. Kumuha ako ng beer at uminum. Anong bang nakita ni Pipay sa lalaking 'yon? Mukha namang walang matinong trabaho.

Muli akong pumasok sa loob ng silid. Mahimbing si Pipay natutulog. Naupo ako sa sofa habang pinagmamasdan s'ya. Hanggang sa dinalaw ako ng antok.

----------------------------------------------------------

Pipay's POV

"Pipay! Hoy, gising." Nagulat ako nang may gumising sa akin. Nang idilat ko ang mata ko nakita ko si Belle.

"Belle? Ba't nandito ka?" Tanong ko.

"Aba, wala kang naalala kagabi? Hinimatay ka lang naman sa labas ng gate. At binuhat ka ni Sir Joaquin." -si Belle.

"A-ako..binuhat ni Joaquin?" Hindi ako makapaniwala pumapapel si Joaquin na Super Hero ko.

"Bumangon ka na d'yan. Nasa dining room na si Sir. Paalis na papuntang opisina." Agad naman akong napabangon.

" Good Morning Pipay, sa wakas gising ka na." Nakita ko Joaquin na nakatayo sa may pinto. At nakasimangot na ang mukha.

"Good morning, Sir Joaquin. Salamat sa pagiging HERO mo kagabi." Nahalata naman ni Belle nagsisimula na naman ang bangayan namin ni Joaquin. Kaya agad umalis.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon