Chap. 35

13K 309 14
                                    

Pauwi na si Joaquin. Hinagilap ni Joaquin ang kanyang cell phone. Naiwan n'ya sa loob ng kanyang kotse. Nang binuksan n'ya ito nakita n'ya ang tawag nina Belle at Drake.

Napapangiti s'ya tuwing nakikita n'ya ang box ng singsing na inilagay n'ya sa kanyang tabi.

Naisipan n'yang magtext kay Belle..

"Belle, pauwi na ako. "

Biglang tumunog ang cell phone ni Joaquin...

"Sir Joaquin, bilisan ho ninyong makarating dito..may nangyayari po yata sa Hacienda ng Fontemayor..sabi ni Drake si Maam Selene po nakita 'yong newspaper na may mga balita tungkol sa inyo at kay Maam Abby.." - Belle

"Ano?!" - Joaquin

"Sir, naghihintay rin po ako ng balita kay Drake." - Belle

"O sige. Belle, sabihan mo ang mga tauhan maghanda. Masama ang kutob ko. Tawagan mo si Drake makibalita ka." - Joaquin

---------------------------------------------------------

Nagkakagulo na ang mga tao sa loob ng Mansyon..tumawag ang isang katulong kay Drake at Iris. Agad naman dumating ang mag-asawa.

"Abuelo, nasaan si Selene?" Tanong ni Iris na puno ng pangangamba sa kapatid. Maging si Drake ay nangangamba na rin.

"Pinapahanap ko na si Selene..malamang nandito lamang sa loob ng Hacienda. Hindi agad makakalabas 'yon dahil tayo ang may pinakamalawak na Hacienda dito. Tinawagan ko na ang mga bantay sa labas." - Don Agusto

"Drake, hanapin mo si Selene..kailangan kong makita ang aking kambal..." Naiiyak na si Iris.

"Samahan mo si Abuelo, ipanatag mo ang 'yong sarili..makikita din natin si Selene." - Drake.

Lumabas si Drake sandali at muling tumawag kay Joaquin..Pero hindi ito nasagot. Muntikan maitapon ni Drake ang cell phone.

----------------------------------------------------------

Samantala si Selene... Naglalakad sa may dalampasigan..malalim ang iniisip.

Selene's POV

Hindi ko alam kung saan na ako ngayon. Ang alam ko kailangan kong lumayo..Hindi ko alam kung tama o mali ang iniisip ko sa mga sandaling ito.

Nandito ako sa dalampasigan..pilit kong tinatanggap sa sarili ang pagkabigo..

Gusto kong tumakas sa katotohanan..gusto kong matulog, at sa paggising wala na akong maalala kahit isang palatandaan kay Joaquin..

Hawak hawak ko ngayon ang isang maliit na supot na may laman ng tableta ng sleeping pills..

Damang dama ko ngayon ang sakit...ganito rin marahil ang nadama ni Tiya Amalia..

-----------------------------------------------------------

Ala-sais ng hapon...

Dumating si Joaquin sa Hacienda Fontemayor sakay s'ya ng kanyang motorcyle. Napansin ni Joaquin na puno na ng guardya ang buong Hacienda.

Sinalubong s'ya ni Drake at..

BOG!

Sinuntok ni Drake si Joaquin at muling hinila..

"Joaquin..tinulungan kitang mapalapit kay Selene..bakit mo ginawa sa kanya 'yon?! Alam mo bang nag-aalala ang asawa ko..buntis ang asawa ko alalahanin mo!"

"Anong pinagsasabi mo?!" - Joaquin

Kinuha ni Drake sa likod ng isang halaman ang dyaryo. At itinapon kay Joaquin..

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon