Chap. 4

18.5K 374 5
                                    

Pipay's POV

Bagong ligo lang ako. Lumabas ako sa kwarto ko na nakadenim crop pants, at white t-shirt. Hindi ko alam kung ba't naisipan kong suotin ang flip flop sandals ko. Para bang nararamdaman ko na may pupuntahan ako ngayong araw na 'to...

Ang kulit talaga ni Joaquin. Habang tumatagal lalong lumalala ang sitwasyon..

Lumalala rin ang nangyayari sa aming dalawa. Minsan, gusto ko nang mawala na lang bigla. 'Yong tipong hindi ako lilingon..at di ko s'ya alalahanin. Minsan napapaiyak ako sa mga nangyayari sa kanya. Lalo na't nauudlot yong panaginip n'ya nang dahil sa akin...Kung pwede lang gawing totoo ang lahat marahil masaya na si Joaquin.

Noong unang dumating ako sa bahay na ito, walang araw na di s'ya ngumingiti..lalo na't kasama n'ya si Joan. Nakasentro ang mundo n'ya kay Joan. Bawat kilos at desisyon ni Joaquin ay para kay Joan. Minsan nga, nagpag-uusapan namin ni Belle na sana ganung tipong lalaki ang makilala namin; at mapangasawa.

Pero ang hirap makahanap ng tulad n'ya. Siguro sa 100 na lalaki mabilang nalang ang katulad ni Joaquin.

Halos hindi n'ya nga napapansin kami dito sa loob ng bahay. Mga babae rin naman kami at dalaga rin. Natural na humanga sa kanya ng palihim..pero iba s'ya..si Joan at tanging si Joan lang ang pinakasentro ng buhay n'ya. At wala sa amin dito sa loob ng bahay ang makakapantay doon. WALA!

Oo, masaya ako..aaminin ko..masaya ako na nawala si Joan sa buhay ni Joaquin. Hindi lang rin naman ako kundi 'yong ibang mga babae na nagkakandarapa sa kanya. Pero alam ko kung saan ako lulugar. Kung ano ang dapat na kilos ang ipapakita sa kanya ;at hanggang saan ang limitasyon. Pero minsan, hindi ko mapigil ang sarili ko..nakakagawa ako ng bagay na mali...bagay na panakaw..bagay na alam kong masasaktan ako sa bandang huli. Tulad ng dati....

"Pips, ano ba kanina pa kita tinatawag? samahan mo nga ako sa mall. May bibilhin ako." Nagulat ako na nasa likuran ko pala si Joaquin.

"Ah, eh...pasensya ka na..may iniisip kasi ako." Napalunok ako.

"Iniisip mo ang nobyo mo? Mmmmm kelan ka pa nagkanobyo? Hindi mo man lang pinakilala sa akin. Mabuti naman at may nagkamali sa 'yo. Siguraduhin mong mas gwapo pa sa akin. Kung hindi malas mo." Naku naman..may SUPER TYPHOON na dumating.

"Joaquin may dala ka bang tali o kadena ? kasi tatalian ko ang sarili ko sa isang poste ng mansion mo; at baka madala ako sa lakas ng hangin mo! "

Ngumiti lang s'ya sa akin ng bongga. At umiling pa ang ulo. Nagulat nalang ako nang bigla n'ya akong hinila papunta sa kanyang nakaparadang kotse. Lalapit na sana ang driver para sa sasakay sa driver's seat pero..

"Ako na lang ang magmamaneho. Dito ka lang, baka kakailanganin ka pa nila dito sa bahay. Isasama ko si Pipay." Sabi ni Joaquin sa driver. Pinapasok naman ako ni Joaquin sa loob ng kotse. Doon ako pumasok at naupo sa backseat.

"Hoy, Pipay..halatang halata na ang pagiging AMO mo? Alis d'yan. Hindi ako driver mo." Utos sa akin ni Joaquin.

Kaya bumaba ulit ako at naupo sa harapan na katabi n'ya.

"Joaquin ang pagkaalam ko; syota o asawa lang ang pwedeng tumabi sa 'yo. Ako...dakilang servant mo! gusto mo bang palabasin na KAFAL NG FACE KO?" --ako.

"Ang dami mo pang daldal..tumahimik ka na nga." --si Joaquin.

Kaya tinikum ko nalang ang bibig ko.

Dalawang buwan narin pala akong hindi nakapag-mall kaya, kating kati na naman ang mga paa ko sa pamamasyal sa loob ng mall .

Mabilis akong maglakad...ugali ko talaga...naunahan ko pa nga sa paglakad si Joaquin. Nasa Infant section kami napagawi..nang biglang ...

Hinigit ni Joaquin ang t-shirt ko sa likod.

"Ano ba?" Tanong ko.

"Sabay tayong pumasok dito. Sabay tayong maglakad. Ginagawa mo akong aso, eh, Sunod ako ng sunod sa 'yo. Dapat nga ikaw ang sunod ng sunod sa akin. Kasi kamukha ka ng poodle na aso sa ayos ng buhok mo." Ang kapal lang! Ang lakas manglait.

"Hoy, Joaquin..alam ko kung sino ang pinakamaganda sa mga paningin mo..sige laitin mo ako! Kung gusto mo na di  makita ang IMAGINARY GIRL MO..alam mo ba kung bakit? Lalagyan ko ng maraming bawang at sibuyas ang kwarto mo. Para hindi s'ya lalapit sa 'yo dahil ANG BAHO BAHO MO!" Singhal ko sa kanya.

Nabigla si Joaquin sa sinabi ko. Pinagdilatan n'ya ako. Pero biglang umiba ang timpla ng mukha ni Joaquin. Nilingon ko kung saan s'ya nakatingin.

Nakita ko na lumabas sa Infant section sina Joan at Franz..At napansin kong buntis si Joan. Nabaling ang tingin ko kay Joaquin. Napako ang tingin sa dalawa. Hinawakan ko ang kamay n'ya at hinila agad papalayo. Mabuti nalang at may nakita akong food court section. Doon kami pumasok.

Tahimik lamang s'yang naupo.

"Sir, dito ka lang kukuha ako ng makakain natin. Babalik agad ako." Ewan ko, ba't ako kinabahan. At habang nakapila ako, hindi maalis alis ang pag-alala ko sa kanya. Alam kong nararamdaman n'ya ang sakit. Kaya kahit sa malayo ako ay pinagmamasdan ko parin s'ya. Nakayuko lamang s'ya.

Hindi rin nagtagal ay nakuha ko na ang order namin. Bumalik ako sa kanya.

"Sir, bumili ako ng ice cream..para naman guminhawa ang puso n'yo." - Ako.

"Salamat, Pips. You saved my day. Kung hindi kita kasama, malamang nakatayo lang ako doon. At damdamin ang sakit." Ngumiti s'ya ng bahagya.

"Ako pa? Super Hero lang naman ang peg ko sa 'yo. FOR TODAY ONLY!" Sabay tawa ko. Buti nalang at ngumiti rin s'ya..kung hindi kikilitiin ko s'ya.

----------------------------------------------------------

Gabi na kaming nakarating ng bahay..pagod na pagod na ako. Kung saan saan pa kami nakarating ni Joaquin.

"Ay, Sir tulog na yata ang madlang pipol. Inaantok na rin ako." Sabay hikab ko.

"Sorry, napagod ka ng husto." Mabuti nalang at hindi pa tulog ang driver dahil hinintay kami ni Sir Joaquin na dumating.. ang driver na lang ang kumuha at nagbitbit ng mga pinamili ni Sir.

Pakiramdam ko nga maagang pamasko sa aming lahat sa loob ng bahay, eh. Kasi sabi n'ya lahat daw 'yon ay para sa amin na mga kasambahay n'ya. Ang SWEET TALAGA ni JOAQUIN!

Mabilis rin akong pumasok sa loob ng mansion; at pupunta na sana ako sa servants quarter nang..

"Pips, sandali..."

Nilingon ko s'ya. At lumapit sya akin. Nakita kong hinintay n'ya na makaalis ang driver at lumabas. Nang masigurado n'yang wala na ang driver..nagulat ako dahil...

Niyakap n'ya ako ng mahigpit....

DUB DUB DUB DUB...

"Thank you for not leaving me there. Kung hindi kita kasama hindi ako uuwi dito ngayon. " Malumanay na sabi n'ya sa akin.

Gusto ko sanang tanungin s'ya kung nararamdaman n'ya ba ang NAKAKAHIMATAY NA KURYENTE SA AKING BUONG KATAWAN..Kasi parang hindi ko na kaya. Nanalalambot na ang mga tuhod ko.

I'm speechless...Ni isang salita walang lumabas sa bibig ko..Feel na feel ko ang moment namin..napapikit ako ..huli na nang mamalayan ko..Nag-iisa na lamang akong nakatayo. Iniwan ako ni Joaquin...hindi n'ya nakitang tumulo ang luha ko. Ganito rin ba ang mararamdaman ko sa sandaling bumalik na ang DATING JOAQUIN ATTIERA?

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon