Chap. 26

12.7K 296 20
                                    

   

Nakarating si Selene sa bahay, hinihingal s’ya sa pagtakbo. Hindi n’ya alam kung bakit kabadong kabado s’ya matapos marinig ang tawag ni Drake. Parang bang nangangamba si Drake.

Selene’s POV

Bakit kaya ganun si Drake kanina? Bakit ayaw n’yang tumagal ako dito? Kung iniisip n’ya ang kalagayan ko dito sa mga Vera..mabait naman si Aldrin sa akin. Wala akong nakikitang masama.

Gusto ko pang tumagal dito. Ayaw kong bumalik sa mansyon hindi ko maiwasan na di maalala si Joaquin. Dito nga lang, parang tinutusok ang puso ko tuwing nakikita ko si Aldrin. Saan kaya ako pwedeng pumunta na di masusundan ng anino ni Joaquin?

Ang romantiko pa naman si Aldrin. Si Joaquin mahilig mang-asar..nakakainis. Pero mahal ko Joaquin..at kahit ilang lalaki pa ang magiging kamukha n’ya SIYA AT SIYA PARIN ang pipiliin ko.

--------------------------------------------------------

Pagpasok ko palang sa bahay naabutan kong may ibang tao na kausap si Yayo Ben.

“Yayo, sino po sila?”

“Ah, mga dating trabahante natin dito sa inyong lupain.”

-Mang Ben

“Buenas Noche, Senyorita Selene.” Bati sa akin ng mga lalaking kausap ni Yayo Ben.

Pumasok naman ako sa aking silid.

Naisipan kong tumawag ulit kay Drake..at sinagot naman n’ya agad.


“Drake, ano bang nangyayari?Bakit kailangan kong bumalik d’yan?”

(Selene, kailangan ka ng matanda. Nagkakasakit s’ya sa pag-alala sa ‘yo. Lagi ka n’yang hinahanap.)

“Pero nandyan naman si Iris.”

( Si Iris ay si Iris. Ikaw ay si Selene. Ikaw ang kailangan n’ya. Matitiis mo ba ang matanda sa kanyang kalagayan? )

“Pero Drake...”

(Sige na. May aasikasuhin pa ako. See you soon! )

Agad nawala ang tawag.

---------------------------------------------------------

Third Person’s POV

Sa Villa ni Aldrin...

Nakipagkamayan si Aldrin kay Joaquin.

“Anong sadya mo dito Mr. Attiera?” - Aldrin

“Meron akong hinahanap dito sa inyong lugar. Sabi sa akin ng aking tiyahin na dito ako pupunta sa ‘yo. Maybe you can help me.”

Joaquin

“Kilala ko ba s’ya?” - Aldrin

“I’m sure kilala mo s’ya. Hindi naman ako papupuntahin dito kung hindi kayo magkakilala. Hindi ba?”

-Joaquin

Hindi sumagot si Aldrin. Hindi s’ya interesadong malaman kung sino ang tiyahin ni Joaquin. Ang importante sa kanya ay kaharap n’ya na ngayon ang lalaking iniibig ni Selene. Pero napapaisip s’ya kung bakit nandirito sa kanilang lugar ang lalaki. At bakit may hinahanap?

“Okay, pumasok tayo sa loob.” Niyaya ni Aldrin si Joaquin sa loob ng bahay.

“Hindi naman ako magtatagal dito sa Zamboanga. Kapag hindi ko nakita ang hinahanap ko. Aalis na ako.” Sabi ni Joaquin.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon