Chap. 34

11.5K 260 1
                                    

JOAQUIN’S POV

Magkasabay kami ni Abegail na pumunta sa kompanya. Halos lahat ay pinagtitinginan kami ng mga empleyado. Alam kong natutuwa si Abegail,lalo na’t naririnig n’ya ang mga sinasabi ng mga taong nakakakita sa amin na..

“Wow, bagay sila...”

Ano pa man ang naririnig ko..lumilipad ang isip ko kay Selene. Ano kaya ang ginagawa n’ya ngayon?

Pumasok kami sa opisina. Akala ko maabutan ko si Mamita ngunit wala s’ya. Pumunta raw sa 19th floor si Mamita sabi ng isang empleyado.

Kanina ko pang napapansin na dikit ng dikit si Abegail sa akin. Alam ko ang ibig sabihin ng mga kinikilos n’ya..kailangan n’ya ang may makasama..sa kama.

“Abby, wala si Mamita..I need to talk to her.Lalabas muna ako.” Sabi ko.

Pinigilan n’ya akong lumabas.

“Joaquin, iniiwasan mo ba ako?” Agad s’yang lumapit sa akin. Nalalanghap ko ang kanyang mabangong hininga..Dahan dahang hinawakan n’ya ako sa aking balikat..at biglang..

Sinungaban n’ya ako ng halik...

Bahagya ko s’yang naitulak..

“Abby, stop it.” Kunot noong sinabi ko sa kanya.

“Bakit Joaquin? May pagkakaiba ang halik namin ni Selene?”

- Abegail

“Natural. May pagmamahal ‘yon.”

“Seryoso ka nga..”- Abegail

“Abby, I love her more than anything.”

Hindi nakapagsalita si Abegail. Parang napapaiyak s’ya matapos marinig ang sinabi ko.

“Alam mo Joaquin, parating ganito ang papel ko sa ‘yo. Kahit ilang beses mong sinasaktan ang damdamin ko; hindi kita pwedeng kalimutan. Kahit ilang beses kang nagmahal ng iba..hindi ako umeksena at nagkipag-away sa mga naging karelasyon mo. Kahit hindi mo sinabing MAHAL MO AKO..okay lang. Sapat na sa akin na MAGING KAIBIGAN MO. Kahit na gustong gusto ko maranasan man lang na sabihin mo sa akin na MINAHAL MO RIN AKO. Pero wala. I look so pathetic.”

-Abegail

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon