Chap. 25

13.1K 280 22
                                    

Maagang bumiyahe ang magtiyahin lulan sila ng helicopter. Walang imik si Joaquin. Malalim ang kanyang iniisip. Iniisip din n’ya ang sasabihin sa matandang Fontemayor.

“Madam, nandito na po tayo sa rancho ng mga Fontemayor.” - Pilot

Tumango si Madam Estrella.

Sa ingay ng helicopter, nagising ang matandang Fontemayor. Agad itong bumangon at sinilip sa bintana kung saan nanggagaling ang ingay. Nakita n’yang may dumating na helicopter.

Kumunot ang noo ng matanda. Kinuha n’ya ang kanyang telescope at tinignan kung sino ang dumating..

“Attiera..”

Sina Iris at Drake ay lumabas sa mansyon.

“Sinong dumarating?” tanong ni Iris sa isang guard.

“Si Joaquin Attiera po, Senyorita.” - guard

Biglang nakarinig sila ng sigaw..

“Iris, pumasok ka dito!” Sigaw ni Don Agusto.

Agad naman tumalima ang apo. Sumunod si Drake.

Pinapasok naman ng guard sina Joaquin at Madam Estrella.

“Anong kailangan n’yo Estrella?” Nakatayo ang matandang Fontemayor sa harap ng pinto.

“Buenas Dia, Senyor Agusto. Naparito ako para kausapin namin kayo.” - Madam Estrella.

“Kung ang pinunta n’yo dito ay tungkol kay Selene..WALA DITO ANG AKING APO...ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo Joaquin!” Sigaw ng matanda.

“Wala akong kasalan Don Agusto. Ang kasalanan ng aking ama ay di dapat sa akin ipatong!” - Joaquin

“Estupido! Ano pa man ang sabihin mo ”KUNG ANO ANG PUNO S’YA ANG BUNGA!“ - Don Agusto

“Porque ta sangga el alegria del d tuyu apo ? nuay kulpa si Joaquin, yan tiempo lang yang kinosihan lang sila di Selene.”

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon