Chap. 12

14.3K 321 8
                                    

Nang dumating si Joaquin sa mansion, nakita n’yang nakatayo si Pipay sa pinto. Lumapit si Pipay para kunin ang attache case. Inabot naman ni Joaquin. Pareho wala silang imik sa isa’t isa. Sabay silang umakyat sa hagdanan..Pinasok na ni Pipay ang gamit ni Joaquin. Palabas na sana s’ya nang magsalita si Joaquin.

“Pips, I didn’t mean to do that...” - Joaquin

“Oo, naman.” Napakagat ng labi si Pipay.

“Please don’t change...I LIKE THE WAY YOU ARE.” Humarap si Joaquin at ngumiti.

Ngumiti si Pipay. Pero hindi s’ya nasisiyahan sa sinabi ni Joaquin. Nandyan parin ang kaba n’ya at takot; dahil mali ang pagkakakilala ni Joaquin sa tunay n’yang pagkatao.

Huminga ng malalim si Pipay.

Paalis na si Pipay nang..

“I’m glad that you found the right person . Sana ako rin...matagpuan ko na s’ya... Good night, Pips.”

Muling hinarap n’ya si Joaquin.Nagulat nalang si Pipay lumapit si Joaquin at hinawakan ang kanyang mukha sabay hinalikan ang noo n’ya.

Ilang segundo tumagal ang labi ni Joaquin sa noo ni Pipay. Sakay pumasok sa kanyang silid.

Nanatiling nakatayo si Pipay. Minsan pa tumulo ang luha ni Pipay.

“Nandito ako Joaquin..Parating nasa tabi mo..Parating kasama mo..abot kamay mo na...” Ang nasabi ni Pipay sa sarili. Napaluhod s’ya at tinakpan ang mukha n’ya ng kanyang palad.

Samantala sa loob ng silid, nakasandig si Joaquin sa pinto. Napangiti s’ya sa sarili..

“Hoy, Joaquin pag itong labi ko dumatal sa labi mo..h’wag na h’wag kang lalapit sa akin; at hihingi ng isa pang halik..Ipagkakait ko sa ‘yo! Tandaan mo ’yan.”

Malinaw sa kanyang isipan ang minsang sinabi ni Pipay ang bagay na ‘yon. At hindi n’ya inakala na mangyayari nga...

“NO, PIPAY. Your lips belong to him not mine.” Bulong ni Joaquin.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon