Chap. 32

12.8K 290 14
                                    

Chap. 32

Nang nasa labas na si Aquinito, tinungo nito ang kanyang silid. Kinuha ang kanyang cell phone at..

JOAQUIN'S POV

"Hello?"

( Sir Joaquin, Good evening po. )

"Belle, h'wag ka masyadong maglalabas ng bahay. Nakita ka kanina ni Selene. Mabuti nalang at napigilan ko s'ya."

(Opo, Sir. Naku, mag-iingat po kayo. )

"Hindi pa nakakahalata si Selene sa akin. Kahit ang matanda."

( Sir, paano kung mabisto kayo? )

" Handa ako Belle sa mangyayari. Sabihan mo ang mga tauhan laging ihanda ang mga sasakyan; ang helicopter, yacht, at eroplano...TITIBAGIN KO SI DON AGUSTO."

( Naku, Sir Joaquin dobleng ingat ang gagawin ninyo. )

" Salamat, Belle. "

Agad kong pinutol ang tawag...

Kailangan hindi mahalata ng matanda ang susunod kong hakbang..3 taon ako halos masiraan ng bait tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa buhay ko..mga dinanas ni Selene ng dahil sa akin...ngayon pa ba ako susuko?

Walang pipigil sa akin sa mga sandaling ito..KAHIT SI DON AGUSTO.

Kung itatakas ko Selene...madali ko na lang s'yang dalahin sa aking Villa..Pinaghandaan ko ang bagay na ito..walang kamalay malay si Don Agusto na ang 2 magkatabing Hacienda na malapit kanyang lupain; ay pag-aari naming magkapatid.

FLASH BACK

Nagkita kami noon ni Drake sa isang Hotel, binalita n'ya sa akin na may ibinibentang Hacienda malapit sa Hacienda Fontemayor..kinausap ko si Mamita tungkol sa bagay na 'to. Ayaw man ni Mamita ngunit wala s'yang nagawa. Si Mamita ang ang humawak ng aming kompanya at namahala. Binili ko ang Hacienda. At pinatayuan ng Villa...Villa Selene.

Tinawagan ko si Aldrin, binili ni Aldrin ang isa pang Hacienda na katabi ng Fontemayor..Napapagitnaan ang hacienda Fontemayor ng Hacienda Attiera. Mabuti nalang at hindi binalita ni Drake kay Don Agusto ang tungkol sa mga Hacienda.

Si Drake din ang nagbalita sa akin sa pagbabalik ni Selene. Ang akala ko hindi na kami magkikita..hanggang napagdesisyonan kong gawin ang bagay na minsan ginawa rin ni Selene sa akin..ANG MAGPAPANGGAP. Kumuha ako ng isang prosthetic artist..pinag-aralan ko narin ang paggamit ng prosthetic mask.

Si Drake rin ang gumawa ng paraan na makapasok ako sa Mansyon ng Fontemayor. Alam ni Drake ang tungkol sa aking binabalak.

" Drake, ano man ang mangyari..h'wag na h'wag mong aminin na may kinalaman ka sa aking pagpapanggap..isipin mo si Iris." Ang sabi ko sa kanya. Hindi nga sana s'ya sangayon ngunit pinilit ko parin.

Nung araw na dadalo kami ng Masquerade Ball, maagang dumating si Aldrin dito sa hacienda sakay ng kotse ni Drake. Habang nandito s'ya at kasama ni Selene..ako naman ang pumuslit at nagbihis...Binilin ko kay Aldrin na h'wag magsalita dahil baka mabuko ni Selene ang aming boses. Kabado si Aldrin dahil hindi s'ya sanay magkunwari. Kaya nasa Masquerade ball kami mistula s'yang estatwa sa tabi.

Isinama ko si Belle sa gabing iyon..dahil gusto n'yang makita si Selene. S'ya ang humila sa akin palayo kay Selene nang gabing 'yon.

Pero wala akong balak na patagalin ang mga bagay na ito. Baka ano pang maisip ni Don Agusto.

-------------------------------------------------------

Naisipan ni Selene na pumunta sa dagat katulad ng dati kasama n'ya si Aquinito. Tinalian ni Selene ang kanyang buhok ng ribbon.Nakasuot lamang si Selene ng denim short at loose na t-shirt. Kumuha si Aquinito ng isang kabayo..

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon