FINAL

15K 297 11
                                    

AN : WALANG EDIT..PAGTIISAN NALANG..

 

 

Nang idilat ni Selene ang kanyang mga mata. Mistulang hindi s’ya makapaniwala na buhay pa s’ya...muling naglandas ang luha sa kanyang mga mata..

 

 

“Selene...” Bulong ni Iris. Hinawakan agad ni Iris ang kamay ni Selene.

 

 

“Selene, h’wag mo na ulit gawin ‘yon..takot na takot ako..” -Iris

 

 

“Bakit n’yo pa ako binuhay? Sana hinayaan n’yo nalang akong sumama sa alon...” -Selene

 

 

“Ano ka ba naman, h’wag kang magsalita ng ganyan. Pangalawang buhay mo na ito.” - Iris

 

 

“Pangalawang buhay? Ano ang silbi ng pangalawang buhay kung wala akong kalayaan..kung hindi ako liligaya..kung masasaktan lang rin ako...”- Selene

 

 

“Selene, sinagip ka ni Joaquin..” - Iris

 

 

“At magpapasalamat pa ako sa kanya, Ganun ba? Hindi ko naman gagawin ‘yon kung hindi dahil sa kanya.” - Selene

 

 

“Selene, kung noon gumawa ka ng hakbang para mapalapit kay Joaquin..nagawa mong magkunwari bilang si Pipay..tiniis mo ang lahat ng hirap makasama mo lang s’ya araw-araw..ginawa rin n’ya ‘yon para sa ’yo..SI AQUINITO AY SI JOAQUIN.”

 

Iris

 

 

Tinakpan ni Selene ang kanyang mukha.. Bumukas ang pinto ng silid..dumating si Don Agusto kasama ang isang body guard.

 

 

“Abuelo..” Agad niyakap si Selene ng matanda.

 

 

“Selene..h’wag mo nang gawin ‘yon.” Napaiyak ang matanda habang hinahagod ang likod ng apo.

 

 

“Patawarin ninyo ako, Abuelo. Naging matigas ang aking ulo. Sana naniwala ako sa inyo noon..sana hindi ko nalang minahal si Joaquin..sana iniwasan ko na s’ya.. hindi sana ako masasaktan ng ganito.” - Selene

 

 

“Wala na tayong magagawa..nangyari na. Ikaw ang magpapasya ng lahat..buhay mo ‘yan.” - Don Agusto

 

 

“AYAW KO NA S’YANG MAHALIN..” - Selene

 

 

 

“Selene, h’wag...” Biglang pumasok si Joaquin.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon