Chap. 23

13.4K 322 31
                                    

AN : HALOW madlang Pipol! Sa Chapter na ‘to alamin natin ang buhay ni Selene. Wait na lang muna si Fafa Joaquin..

 

 

 

 

Selene’s POv

 

 

 

Hindi ko matiis na hindi ko marinig ang boses ni Joaquin. Kung noon napakalapit n’ya sa akin, ngunit ngayon pakiramdam ko nasa dulo s’ya ng mundo. At nandito ako sa sulok ng aking madilim na silid.

 

Inaalala ang magagandang nangyari sa amin..

 

Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko pero hindi matigil tigil. Hindi ko maiwasan na isipin si Joaquin..‘yong mga bagay na nakasanayan n’ya..sa umaga..sa pag-uwi n’ya..sa mga kulitan namin..at kahit sa pagtulog n’ya..

 

Lahat ‘yon inisip ko..

 

Hindi ko alam kung tama ang paggiging malaya ko ngayon..Hindi ko ramdam ‘yong saya..pakiramdam ko naiwan ko sa mansion ni Joaquin ang kahalati ng buhay ko.. ang hirap buuhin.

 

----------------------------------------------------------

 

Third Person’s POV

 

 

Nang umaga na, nagulat na lamang si Selene na may pagkain sa tabi ng kanyang higaan. Meron itong isang sulat.

Binasa ni Selene..

 

 

“Senyorita, aalis po muna kami. Pupunta muna kami sa manggahan. Hitik na kasi sa bunga ang mga puno. Babalik nalang po kami sa tanghali.” - Yaya Letty.

 

 

Kumain si Selene. Unang araw palang n’ya sa lugar na ‘yon napansin n’yang tahimik ang lugar at maaliwalas ang buong paligid. Hindi n’ya maunawaan kung bakit nilimot ng kanyang Abuelo ang bahay na ‘yon.

 

Naisipan ni Selene na mamasyal. Gusto n’yang puntahan ang manggahan na pinuntahan ng mag-asawa.

 

Nagsimula s’yang maglakad sa taniman ng mga rubber tree.

Walang s’yang ibang maririnig kundi ang mga huni ng ibon.

Palinga linga naman si Selene kung may mga taong napapagawi ngunit wala.

 

Malayo layo ang kanyang nilakad..hanggang nakita n’ya ang isang tulay.

 

Sa kabila ng tulay ay may manggahan..may iilang mga tauhan na nanduroon. Inisip n’yang maaring nandoon sina Aling Letty at Mang Ben.

 

Nagmadaling pumunta si Selene, nais n’ya ring makilala ang mga tauhan doon.

 

 

Paparating palang si Selene nang mapansin s’ya ng mga taong namimitas ng mga mangga.

 

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon