Chap. 16

13.3K 306 8
                                    

Isinubsob ni Joaquin ang sarili sa trabaho. Ayaw n'yang huminto sa mga gawain. Tila bang may ayaw s'yang maalala sa mga sandaling ito.

" Sir Joaquin, nandito na po 'yong pinapakuha n'yong report galing sa Accounting department." Agad inilagay ng Secretary ni Joaquin ang folder sa mesa nito.

Patuloy lang si Joaquin nagbabasa ng mga papeles na nakahilera sa mesa nito.

"Sir, gusto n'yo po bang umorder na lang ako ng pagkain n'yo? Lampas tanghali na po eh." - Secretary.

"Wala akong ganang kumain. You can go now." Patuloy parin si Joaquin.

Ilang oras pa ang nagdaan..nakadama na si Joaquin ng pagkagutom. Napahinto s'ya sa trabaho. Nakita n'yang lampas alas-kwatro na. Napasandig si Joaquin sa upuan. Mistulang naubos ang lahat ng lakas n'ya sa araw na 'yon.

Tumayo si Joaquin. Tinungo nya ang kanyang private room. Doon ay nilapitan n'ya ang isang portrait. Tinanggal n'ya ang portrait at lumantad ang isang security pad. Pinindot ni Joaquin ang pin number at bumukas ito. Lumantad ang isang maliit na box. Kinuha ito ni Joaquin at naupo sa kama.

Binuksan n'ya ang box..ang nilalaman nito ay ang isang singsing....

Ang singsing na minsan nais n'yang ibigay kay JOAN. Isang bagay na iniwan ng kanyang ina.

Huminga ng malalim si Joaquin. Malungkot ang kanyang mukha parang tulad noong araw na iniwan s'ya ni Joan.

" Matagal ka nang natutulog sa loob ng box na 'to. Kinulong ka ng mahabang panahon...wala akong magagawa..HINDI KO PA S'YA NAKIKITA. NAPAPAGOD NARIN AKO. H'WAG KANG MAG-ALALA ILALABAS KITA DITO SA MASIKIP MONG MUNDO."

At muling ibinalik ang singsing.

--------------------------------------------------------

Katatapos lang ni Pipay gawin ang kanyang mga trabaho. Muling napag-isa si Pipay. Nakaupo s'ya malapit sa isang puno. Nakatingin s'ya sa buong paligid. Napansin n'yang halos lahat ng rosas ay namumulaklak. Napapangiti si Pipay dahil naaalala n'ya ang kanyang Abuelo...

" Selene...halika dito..tignan mo ang daming paruparo. Gustong gusto nila ang mga bulaklak dito sa ating hardin. Gusto mong habulin sila? Gawin mo." Nangiting sinabi ng kanyang Abuelo.

Hahabulin naman ni Selene ang mga paruparo. Tuwang tuwa naman s'ya sa kanyang ginagawa. At nang mapagod na s'ya lalapit s'ya sa kanyang Abuelo. Pipitas ng rosas ang matanda at isisiksik ito sa gilid ng tenga ni Selene. At kakalungin ang bata.

"Mi unica hija...mi dulce..." Sabay halik nito sa pisngi ng apo.

"Abuelo, bakit nandito ako sa 'yo? Samantala si Iris, nasa kina Papa at Mama. Magkahawig naman kami ba't hindi mo nalang rin kinuha?" Tanong ni Selene.

"Kasi ikaw ang paborito ko. Matigas kasi ang ulo mo..parang ako noon. Napakalambing mo rin tulad ng Abuela mo." - Don Agusto.

Isiniksik agad ni Selene ang sarili sa dibdib ng matanda.

Sa kanyang katigasan ng ulo; nilabag n'ya ang isang bagay na ayaw na ayaw ng kanyang Abuelo..ang MAHALIN ANG ISANG ATTIERA. Alam ni Selene kung ano ang kayang gawin ng matanda; kung sakaling malalaman nito na nasa poder s'ya ni Joaquin. Dapat n'yang paghandaan ito..

"Marami ng magagandang sandali ang narito sa puso ko Joaquin. Wala akong pinagsisisihan dahil sa minahal kita." - Selene

Tumayo si Selene at pumasok sa loob ng mansion. Tinungo ang isang silid. Lumapit s'ya sa isang malaking salamin. Tulad ng nasa silid ni Joaquin isa rin itong pinto. Sa gilid nito ay may isang maliit na butas. Ipinasok ni Selene ang susi at bumukas ito. Pumasok si Selene sa loob. Sa loob ng basement makikita ang ilang larawan ni Selene. At ang isang malaking box na ang laman ay mga larawan ni Joaquin.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon