Chap. 27

12.4K 278 18
                                    

Nang dumating sina Selene sa Hacienda, agad siyang sinalubong nina Drake at Iris.

Selene’s POV

“Home sweet Home..” dito ba ako nababagay sa mansyong ito? Ito na ba ang kulungan ko? Alam ko nandito ang mga taong nagmamahal sa akin..pero bakit hindi sapat ang mga pagmamahal na ‘yon? Bakit mas gusto kong bumalik sa masyon ng mga Attiera? Gayung alam ko hindi ako mahal ng taong nagmamay-ari nun. Dito hindi ako ituturing na anino lang o isang dekorasyon..Ako ang pinaksentro ng lahat..bawat kilos ko at galaw inaalalayan.. pero mas gusto ko pang maging isang tagasilbi ng lalaking hindi ako kayang mahalin? Bakit?

“Selene...” Agad akong niyakap ng aking kambal at sabay kaming napaiyak.

“Bakit ninyo pinilit na bumalik ako dito...dito na ba ako dapat makukulong, Iris?” Tanong ko sa aking kambal habang hindi ko na mabilang ang luha na dumadaloy sa mga mata ko.

“Hindi ka naman ikukulong, eh. Inilalayo ka lang sa malaking gulo na maaring mangyari.” - Iris

“Ano pa man ang ibig sabihin nito...hindi na ako tatakas pa...pagod na ako...” - Ako

“Selene...h’wag mong sabihin ‘yan..nauunawaan kita..” - Iris

Mula sa malaking pinto ng masyon lumabas si Abuelo.

“Abuelo..” - Ako

“Inilayo kita kay Aldrin Vera..mahirap na masaktan ka pa niya..wala kang laban sa kanila. At kahit nagmamabutihan si Aldrin Vera sa ‘yo..IBA PARIN ANG PAKAY niya sa isang tulad mong FONTEMAYOR. Lagi mong tatandaan Selene, pag-isahin man ng Vera at Attiera ang kanilang lakas..HINDI MAGPAPATALO ANG FONTEMAYOR!”- Abuelo

“Ano ba talaga ang nangyayari?! Bakit mo nasabi ‘yon Abuelo? Ano ang koneksyon ng dalawang pamilya? Linawin naman ninyo.” Sigaw ko.

Dahil iisa ang dugo na dumadaloy kay Aldrin at Joaquin! Mabuti lang sana kung puro ang dugo ng Vera ang dumaloy kay Aldrin..hahayaan kita. Pero hindi. Isa parin s’yang Attiera na nagkukubli bilang Vera.” - Abuelo

Hindi agad ako nakapagsalita...kaya pala magkamukha sila..kaya pala lahat ng kilos ni Aldrin ay kasing tulad ni Joaquin..magkapatid sila.

Napaluhod ako sa lupa..Napahawak ako sa aking dibdib..Bakit hindi nasabi sa akin ni Aldrin ang tungkol kay Joaquin?

“Siguro naman sa mga sandaling ito..magkakilala na silang dalawa..at hindi na sila magtataka kung bakit kita kinuha at inilayo.” - Abuelo

Napatingin ako sa matanda..ang ibig n’yang sabihin nanduroon si Joaquin sa Zamboanga ? Ngunit bakit?

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon