Chap. 14

13.7K 306 13
                                    

Agad pumasok si Joaquin sa kanyang silid. Samantalang nagmamadaling umalis si Pipay. Nakadama ng kaba si Pipay sa ikinilos ni Joaquin sa kanya. Agad sinagot ni Pipay ang tawag ni Drake.

 

 

“Selene, magpadala ka nga ng picture mo dito. Kasi mag-aayos si Iris ng tulad sa ‘yo. Alam mo na, para hindi mahahalata ng mga taong nakapaligid doon. Mahirap na baka tatawag sa Abuelo n’yo.” - Drake.

 

 

“Okay.” - Selene.

 

 

Nang nasa loob si Joaquin ng kanyang silid; agad n’yang tinungo ang banyo. Gusto n’yang ilabas ang inis sa sarili. Maraming bagay ang pumapasok sa isip n’ya. Mga bagay na hindi n’ya gustong malaman ng iba...lalong lalo na si PIPAY.

 

Hindi naman s’ya naging ganito noong nagsasama sila ni Joan. Pero bakit biglang nagbago ang lahat? Pakiramdam n’ya pamilyar ang bawat ngiti at titig ni Pipay. HINDI N’YA MAALIS SA KANYANG ISIP NA MINSAN MAY BABAENG NAKILALA S’YA NA KATULAD NG MGA NGITI AT TITIG NI PIPAY.

 

Mas pipiliin n’yang manahimik na lang kesa mapag-usapan pa.

 

---------------------------------------------------------

 

 

Nagmamadaling umalis si Joaquin. Nang bumababa s’ya nakita n’yang nakatayo sina Belle at Pipay sa labas.

Hindi na nilingon ni Joaquin ang dalawa. Tuloy-tuloy s’yang sumakay sa kanyang kotse.

 

 

Tinungo n’ya ang pent house ni Kevin. Nagkaroon ng party sa bahay ni Kevin. Halos mga kaibigan at kakilala nina Joaquin ay nandoon. Inaliw ni Joaquin ang sarili.

 

 

“Pare, let me introduce to you my friend, Andriana Amante.” Pakilala ni Kevin. Nakangiti na inilahad ni Joaquin ang kanyang kamay sa babae. Agad naman tinanggap ni Andriana.

 

 

“Iwan ko muna kayong dalawa dito. Kilalanin n’yo ang isa’t isa.” Agad naman umalis si Kevin.

 

 

“Hi.” Sabi ni Joaquin.

 

 

“Hello.” - Andriana.

 

 

“Magkaibigan pala kayo ni Kevin, since when?” Tanong ni Joaquin.

 

 

 

“Ah..childhood friend kami.” Sagot naman ni Andriana.

 

 

 

Matagal silang nag-usap ni Andriana. Napansin ni Joaquin na masayang kausap si Andriana. Kahit papano naaliw s’ya sa mga kwento ng babae. Nakalimutan ni Joaquin ang pagtakbo ng oras. Hindi n’ya naalala si Pipay na naghihintay.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon