Chap. 6

18.4K 367 38
                                    

Bandang hapon, muling lalabas si Joaquin. Muli s'yang pupunta sa isang bar, na kung saan hinihintay s'ya ng kanyang mga kaibigan.

Kung noon ay di gaano lumalabas si Joaquin para makipag inuman; at makipaglaro sa mga babae..ngayon ay sanay na sanay na s'ya.

Palabas pa lamang s'ya ng bahay nakita n'yang nag-uusap sina Pipay at ibang katulong.

"Pips, h'wag mo na nga pala akong hintayin ngayong gabi. Matulog ka na. May gimik kami ng mga barkada. Kayo rin magpahinga kayo ng maaga." Sabi ni Joaquin sa buong kasambahay.

"Joaquin hindi mo ba isasama ang driver mo?" Pahabol ni Pipay na tanong.

"Nope. I'll drive." Mabilis umalis si Joaquin. Agad namang lumapit si Belle kay Pipay.

"Mmmmm...sigurado ako may bagong babae na naman na ipapakilala kay Sir Joaquin. Ano ba yan! Hindi na lang magstick to one si Sir. May kastick to one naman sa ibang daigdig naman..malabo sa realidad." - si Belle.

"At least kahit papano nararamdaman parin ni Sir Joaquin na may nagmamahal sa kanya..kahit sa panaginip n'ya." - si Pipay.

Gabi......

GOODNIGHT GIRL POV

Naiinis ako at hindi pa dumating si Joaquin. Sino na naman kayang malas na babae ang kasama n'ya ngayon?

Minsan gusto ko nang magpakita sa kanya. Gusto ko nang maging totoo ang lahat, ngunit natatakot ako. Natatakot akong malaman n'ya ang totoo at hindi n'ya matanggap.

Ayaw kong magkubli sa isang sulok o maging anino nalang tuwing gusto ko s'yang makasama.

Kung alam lang ni Joaquin..matagal ko na s'yang minamahal..Minahal ko na s'ya bago pa man dumating sa buhay n'ya si Joan.

Nakilala ko si Joaquin sa di inaasahang pangyayari..

Nasa isang park kami ng aking mga kaibigan noon ..Masaya kaming nakukwentohan habang naglalakad nang biglang may bumundol sa aking likuran..

"Ouch!!" - Ako.

"Oppssss!" Sabi ng nakabundol sa akin.

Nadapa ako at nasubsob sa damuhan. Malakas ang pagkabundol sa akin ng bisikleta. At naipit ng gulong ng bisikleta ang kanang paa ko.

Tumilapon ang mga aklat na dala ko kasabay narin napasigaw ang mga kaibigan ko.

"Selene!!!!"

Halos hindi ako makapabangon dahil sa sakit na naramdaman ko. Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya. Agad naman bumaba ang lalaki na nagmamay-ari ng bisikleta at tinulungan akong makatayo. Napapaiyak ako sa sakit na nadarama ko sa aking paa.

Nakita kong natataranta ang lalaki kung anong gagawin.

"Are you okay?" Sabi ng lalaki habang nakatingin sa akin. Nang makita ko at nakilala ko ang lalaki; ininda ko ang sakit na nararamdaman.

Umiling ako. Nagulat na lang ako at agad n'ya akong binuhat.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko.

"Saan sa tingin mo? Syempre sa hospital." Napangiwi tuloy ako sa sinabi n'ya.

Nang nasa hospital kami..nakadama ako ng takot dahil dinala ako ng lalaki sa x-ray room. Umabot kami ng isang oras at kalahati para malaman ang result ng x-ray. Sa tingin ko, hindi naman malala ang tinamo ko para magpa-x-ray pa ako. Kunting hilot lang ito ay okay na.

"Okay naman. Walang deperensya. Pero magbibigay ako ng gamot baka sakaling kumirot ang paa mo.." Sabi ng doktor sa akin.

Tumango ako. Paika-ika ako habang lumabas ng hospital kasama ang lalaki. Inalalayan n'ya ako kahit may crutches ako. Pinaupo n'ya ako sa isang upuan. Hintayin ko daw s'ya; dahil bibili s'ya ng gamot ko. Sa isip ko sana parating ganito araw-araw kasama ko ang lalaking 'yon.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon