Chap. 21

12.7K 319 4
                                    

Walang tigil ang pagluha ni Pipay habang papalayo ang sasakyan.

“Selene, anong gusto mong mangyari?” Biglang nagtanong ng matanda. Nadama nito ang matinding lungkot na dinadanas ng apo.

“Abuelo, gusto ko mapag-isa. Ihatid n’yo ako sa pier. Ayaw kong umuwi ng Hacienda.” - Pipay

“Sa Pier? Anong ibig mong sabihin, Selene?” Nag-alala ng husto ang matanda sa iniisip ng apo.

Hindi umimik si Pipay..Nakatingin lamang sa labas.

Dinala ng matanda sa Pier si Pipay

Mag-isang naglakad si Pipay. Bumili s’ya ng ticket. Wala s’yang pakialam kung saan s’ya pupunta. Basta’t gusto lamang n’ya ang MAPAG-ISA. Sasakay s’ya ng barko.

Nang bumalik si Pipay naghihintay parin ang matanda.

“Selene, hindi mo kailangang lumayo sa amin. Pwede kang pumunta sa ibang bansa kahit kelan mo gusto.” - Don Agusto.

“Alam ko po. Hayaan nyo muna akong gawin ito. Babalik ako, Abuelo. ” Agad niyakap ni Pipay ang matanda.

“Selene, ang tigas ng ulo mo. Hindi ka ba naaawa sa akin? Nalulungkot ako at nangamngamba kapag nasa malayo ka.” -Don Agusto

“Abuelo, uuwi parin ako sa inyo. Isang araw, magsasama sama tayong muli sa Hacienda.” - Pipay

“Selene..” - Drake.

Napalingon si Selene sa kaibigan, bigla n’yang niyakap si Drake.

“Drake, bigo ako. Ang sakit..hindi n’ya na ako mahal...kahit sa panaginip ...wala na rin...Drake, gusto kong mapag-isa..h’wag mong pababayaan sina Iris at Abuelo. Kung sakaling magkita kayo..iwasan mo s’ya.” - Pipay

“Saan ka pupunta?” - Drake

“Kahit saan...kahit saan ako mapadpad..gusto ko lang mapag-isa..” - Pipay

Agad nagmadaling umalis si Pipay. Sumakay agad ng barko. Hindi n’ya na nilingon ang kanyang Abuelo at si Drake. Hindi naman s’ya natatakot. Sadyang malakas ang kanyang loob.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon