Chap. 31

12.4K 278 26
                                    

Nanlaki ang mata ni Selene nang matapos marinig ang sinabi ng lalaki.Gusto n’yang pagmasdan ang mukha ng lalaki. Ngunit hinapit ng lalaki ang kanyang baywang at halos magkadikit ng husto ang kanilang katawan.

 

Samantala, napansin naman ni Don Agusto ang apo.

 

Pinagmasdan ni Don Agusto ang lalaking kasayaw ni Selene. Hindi naman nakilala ng matanda ang lalaki dahil nakamaskara ito. Binaling ng matanda ang tingin sa alalay ni Selene na katayo lamang sa isang sulok. Mistula itong estatwa.

 

 

Habang nagsasayaw ang dalawa, hindi magawa ni Selene ang magsalita. Wala s’yang maisip na kahit anong salita nalalabas sa kanyang bibig. Nais lamang n’yang marinig ang bawat paghinga ng lalaki..ang bawat haplos ng palad nito sa kanyang likuran..Nagitla si Selene ng maramdaman n’yang dumampi ang labi ng lalaki sa kanyang labi.

 

 

Tumigil ang lahat ng tao sa pagsayaw...lahat nakatuon sa dalawa..hindi maunawaan ni Selene kung bakit tinugon n’ya ang halik ng lalaki gayung hindi n’ya kilala..Pakiramdam ni Selene tumigil ang kanyang mundo ng panandalian..

 

 

“Selene!” Sigaw ni Don Agusto ilang dipa lamang ang layo.

 

Biglang may lumapit sa lalaki na isang babae at hinila ito palayo kay Selene. Muling nanumbalik ang katinuan ng isip ni Selene..nakita n’yang lumayo na ang lalaki; nagsimula namang sumayaw ang lahat. Tinakpan ni Selene ang kanyang bibig.. Agad namang lumapit ang mag-asawa at iginayak si Selene na tumabi muna sa kanilang mesa.

 

 

“Sino ang lalaking ‘yon?” Tanong ni Selene sa sarili.

 

 

“Sino kaya ang lalaking ‘yon? Lakas ng loob na halikan ka sa public. Mabuti nalang hindi nagwala si Abuelo. Himala!” -Iris

 

Inabutan ni Drake ng maiinum si Selene. Nanginginig ang kamay ni Selene nang inabot ang baso.

 

 

“Ninerbyos ka ba?” - Drake

 

 

“Medyo.” Tipid na sagot ni Selene.

 

 

 

Agad lumapit ang matanda sa kanila.

 

 

 

“Selene, h’wag ka nang tumagal dito. Kung sinu-sino ang lumalapit sa ‘yo. Ni hindi mo kilala ang lalaking ’yon. Tsk!”

Kunot noong sinabi ng matandang Fontemayor.

 

 

 

Hindi tumagal si Selene sa party. Naging palaisipan parin sa kanya ang lalaki. Napansin n’yang tahimik si Aquinito. Mula nang umalis sila sa mansyon bago pumunta sa party; ay wala itong imik. Inisip ni Selene marahil masakit ang lalamunan nito. Pinagkibit balikat n’ya na lang.

MY GOODNIGHT GIRL ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon