CHAPTER 7 -- THE TRUTH
KEIZER OLIVARES
“Tol, bakit absent ka nung outing?” Tanong sa akin ni Lary.
Magkakasama kaming tatlo nina Lary at Tim na nakapila dito sa enrolment.
“May pinuntahan ako nun, eh,” sagot ko.
Biglaan naman kasing mag-outing ang mga ‘to. Kaya hindi ako nakasama kasi na-set ko na yung date na yun para sa date namin ni Sheri.
“Saan naman?”
“May pinopormahan ka ba ngayon?” Natatawang tanong ni Tim.
“Meron,” sagot ko.
“Sino?” Sabay na tanong nung dalawa.
“Si Sheri,” pag-amin ko.
“Sino yun?” Sabay ulit nilang tanong.
“Yung top 2 ng Liberal Arts.” Palibhasa puro itsura ang tinitingnan ng mga ‘to kaya kahit pangalan ni Sheri hindi alam.
“Nililigawan mo yun?” Nagtatakang tanong ni Tim.
“Oo, bakit hindi?”
“Wala naman. Akala ko lang kasi hindi mo tipo yun. Kasi di ba hindi man lang umepekto sa kanya ang charm mo sa paghingi ng number?” Sabi ni Tim.
“Ah yun ba. Ang totoo nakuha ko talaga ang number nya noon,” paliwanag ko.
“Eh bakit sabi mo hindi mo nakuha?” Gulat na tanong ni Lary.
“Sabi ko lang yun para tumigil kayo dun sa pustahan.”
“Pero nagbigay ka pa din ng pera kasi natalo ka.”
“Para mas mabilis kayong tumigil.”
“Bakit ayaw mong pagpustahan yun?” Tanong ni Tim.
“Kasi hindi sya dapat pagpustahan.”
Natigil ang usapan namin nang dumating yung class president namin.
“Guys, hindi pa daw naa-add sa system yung subject natin kaya hindi pa tayo makaka-enroll,” sabi nya.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Teen Fictionsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...