CHAPTER 13 -- CAUGHT IN THE ACT
SHERI GONZALES
“Hoy Sheri, hindi ka na naman sasabay sa amin pauwi?” Tanong ni Apple.
“Hindi eh. Alam nyo naman na kung bakit.”
“Si Keizer na naman.” Nagtatampong sagot ni Kim.
“Tampo much? Haha. Bakit nung kayo naman ang may boyfriend, hindi naman ako nagtatampo ah,” panunumbat ko.
Hayst, baka mahuli kami ng teacher namin na nagdadaldalan dito! Buti na lang nasa may likod kami.
“Hmp! Basta kami dapat ang unang makakaalam na kayo na ni Keizer ha,” bilin ni Kim.
“Kailangan kami ang mauuna bago pa sina Tito at Tita!” Natatawang sabi ni Apple.
“Oo na.” Itong mga ‘to dinaig pa ang pamilya ko.
Nang natapos yung class namin, syempre lumabas na kami. Hehehe.
Malapit kami sa pinto kaya kami ang unang lumabas. Kami nga lang ang nagkaklase sa floor na ito, eh. Tapos 20 lang kaming magkakaklase. Konti lang kasi ang kumukuha ng AB Lit dito.
“O, nasan na ang boylet mo?” Tanong ni Kim nang makita nyang wala si Keizer sa labas.
Dati kasi talagang sa labas sya ng classroom namin naghihintay. Nakaupo sya dun sa hagdan na katapat ng room namin.
“Nagtext sya, sa lobby na lang daw kami magkita.” Sagot ko.
“Akala ko absent,” sabi ni Apple.
“Una na kami ni Apple, dadaan pa kami sa office, eh.”
“Sige, ingat kayo pag-uwi!” I waved them goodbye.
Nagpunta na ako sa lobby at nakita kong nandun na si Keizer.
Pero may nakita akong hawak nya.
Kung sa akin nga yun, NAMAN! Nakakaloka!
Nilapitan ko sya.
“Kanina ka pa?” Tanong ko sa kanya at pakunyaring hindi napapansin ang dala nya.
“Hindi naman,” sagot nya. “For you.” Sabay abot ng isang bouquet ng red roses.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Novela Juvenilsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...