CHAPTER 30 -- LEARNING THE ART OF MOVING ON
TINA OCAMPO
“Sigurado kang pupunta ka sa party ni Sheri?” Gulat na tanong ni Kim.
“Oo. Bakit hindi ba ako invited?” Nakangiting tanong ko sa kanya.
“Invited ka syempre, pero paano si Sam?”
“Kim, hindi pwedeng habambuhay kong iwasan yang si Sam. Syempre kahit anong gawing iwas ko, magkikita at magkikita pa din kami.”
“Ready ka na bang harapin sya?”
Tumango ako. “Pwede na ba akong sumama sa party ni Sheri?”
“Sabi mo, eh!”
Sa totoo lang hindi ko alam kung kaya ko na ba talagang harapin si Sam. Kung mamaya, lalapitan nya ako para itanong kung bakit ko sya iniiwasan, handa ba akong sagutin ang matagal kong iniwasang tanong na yun?
Bahala na.
Ang alam ko sa party madaming tao, pero itong party ni Sheri konti lang. Ang nandito lang ngayon eh syempre yung family ni Sheri, yung family ni Keizer, ako, si Apple, si Kim at si Ate Cindy.
Grabe kasi ‘tong si Sheri, kami lang pala ang may alam sa school na may-ari sila ng isang hotel. Nagpapaka-low profile ang lola mo!
Kumain lang kami ng dinner tapos nag-get together yung parents ni Sheri at Keizer. Hehe.
May veranda dito at pinili kong dun muna mag-stay. Ang sarap ng hangin dito, eh.
“Tina.” Tumabi sa akin si Sam.
Tiningnan ko sya at hinintay ko yung sunod nyang sasabihin.
“May gusto akong itanong sayo,” sabi nya.
“Go ahead.” Before I went here, I already made myself ready for this matter.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Novela Juvenilsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...