CHAPTER 15 -- Nosebleed!

2.9K 22 1
                                    

CHAPTER 15 -- NOSEBLEED!

TINA OCAMPO



          Sana naman ipasa ako nila Sheri dun sa interview. Simula kasi nung nakasama ko silang tatlo sa resort noong competition, naging close na ako sa kanila. Madalas, kapag nakikita ko sila sa canteen, sumasabay ako sa kanila kumain.



          Medyo may pagka-loner type kasi ako. Wala akong friends na palagi kong nakakasama kasi palagi din naman akong nawawala kapag vacant. Syempre, minsan nauubos ang oras ko dahil sa training kaya kailangan kong humanap ng oras na pwede akong bumawi sa studies ko. (Kunwari nerdy swimmer ako. HAHAHA!)



          Dahil din kay na Sheri kaya nahikayat akong sumali sa club nila. Para kasing ang saya dun sa club nila. Marunong din naman akong mag-picture kahit papaano. Hehe.



          Naku, hindi ko pala alam kung saan ang office ng club nila. Nakakainis naman, baka ma-late pa ako sa interview!



          Nakita ko yung office ng Student Council. Magtatanong na lang ako dito.



          Binuksan ko yung pinto.



          “ARAY!” Bumungad sa akin ang isang lalaking hawak-hawak ang ilong nya.



          “Naku! Sorry po! Sorry po talaga! Hindi ko sinasadya!” Abot abot ang paghingi ko ng tawad dito sa lalaking kasalubong ko.



          “Okay lang yun, miss,” sagot nya habang hawak pa din yung ilong.



          “Pasensya na talaga ha. Hindi kasi ako kumatok. Sorry.”



          “No problem.” Binitawan nya ang ilong nya.



          OMG! As in OH MY GULAY!



          Si Sam pala ang nasaktan ko.



          Nakatingin lang ako sa kanya na parang nakakita ng multo.



          “Miss…miss.”



          “Ha? Bakit?”



          “Okay ka lang?” Tanong nya.



          “Oo naman.”



          “Eh bakit parang ikaw pa ang mas nasaktan sa ating dalawa?” Tanong nya na medyo natatawa.



          Ang gwapo nya talaga!



          “Wala naman. Hehe.” Nakakahiya naman sa kanya. Sya pa ang nasaktan ko.



When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon