CHAPTER 5 -- Isang Libong Piso

3.8K 27 1
                                    

CHAPTER 5 -- ISANG LIBONG PISO

SHERI GONZALES



          (“Sheri, anong oras ka bukas pupunta sa school?” Tanong ni Kim na kausap ko ngayon sa phone.)

          “Hindi ako sure, eh. Pero baka mga 9am ako pumunta.”

          (“Baka mahaba yung pila for enrolment. Alam mo naman sa school palaging box office kapag enrolment.” Paalala ni Kim.)

          “Hmm…oo nga pala. O sige, try kong mag-maaga bukas. Hahaha.”

          (“Hay naku! Baka naman 10 na wala ka pa ha!”)

          “Teka lang, eh di ba konti lang naman ang nagsa-summer class? Ibig sabihin konti lang din ang mag-e-enroll bukas.”

          (“May point ka.”)

          “Basta kita na lang tayo sa office.”

          (“Kaninong office? Sa amin o sa inyo?”)

          “Syempre dun sa amin! Pub naman ang tawag ko dun sa inyo ah.”

          Si Kim kasi ang EIC ng school paper namin. Tapos kami ni Apple taga-photographers’ club. Minsan nagta-trabaho kami para sa school paper, kami kasi yung parang naging official photographers ng school kaya halos lahat ng events, kami ang nagko-cover.

          (“Hahaha! Oo nga pala. Atska magkatabi lang naman yung office natin!”)

Minsan talaga baliw ‘tong si Kim.

          “Oo nga.” Napatawa na din ako sa usapan naming ito.

          (“Matulog ka na ha para maaga kang magising!”)

          “Hindi pa pwede.”

          (“Bakit naman?”)

          “Kasi--”

          (“Wag mo nang ituloy! Alam ko na pala. Hindi ka pa pwedeng matulog kasi tatawag pa si Keizer.” Pagtutuloy nya sa sasabihin ko.)

          “Eh alam mo naman na pala, eh. Tinatanong mo pa!”

          (“Ikaw talaga. Hindi ka ba nagsasawa? Araw-araw yata kayong magkausap nyan.”)

          “Hindi naman. Hindi din naman na kami araw-araw nagkikita. Busy masyado.”

          (“Sinong busy?”)

          “Pareho kami. Busy sya sa training nya tapos ako naman busy para sa exhibit natin this summer term.”

          (“Wow, career na career ni Ms. President ang exhibit!”)

          “Ayaw kasi akong tulungan ni Apple! Atska dapat lang na karerin ko ‘to kasi nakakahiya sa previous officers, baka sabihin pinabayaan ko.” Elected nga pala ako as the new president ng photographers’ club ng school. Hehe.

          (“Eh keribels mo na naman yan.”)

          “O sya sige na, tatapusin ko na ‘tong pag-eedit nang makatulog na ako ng maaga.”

          (“I doubt! Tatapusin mo ang pag-eedit para maka-usap mo ng maaga si Keizer!”)

          “Ewan ko sayo! Babu na!” Natatawang sabi ko.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon