CHAPTER 38 -- MAMA’S ADVICE
SHERI GONZALES
“Good afternoon po. Pinatawag nyo daw po ako.” Andito ako ngayon sa Department Chair’s office.
“Kailangan kasi kitang makausap,” sabi nung Dept. Chair namin.
Umupo ako sa chair na nasa harap ng table nya.
“Bakit po?”
“May pinoproblema ka ba iha?” Umpisang tanong nya.
“Wala naman po,” pagsisinungaling ko.
“Nagulat kasi ako sa naging result ng thesis defense nyo. I never thought na your group will receive the lowest grade in the oral defense to think na you’ve written an exceptional paper.”
Natahimik ako. Kasalanan ko naman talaga kung bakit kami yung lowest eh. Nung kasing may itinanong ang panel tungkol dun sa isang part ng paper namin na ako ang gumawa, hindi ko yun nasagot. Hindi din ako nag-contribute ng answers sa iba pang tanong.
“You seemed bothered these past few days. Hindi ka na nga din masyadong active sa class ko at napapansin din yun ng iba mong professors,” dagdag pa ni Dept. Chair.
“I’m sorry po.” Tumungo ako.
“Ms. Gonzales, kung ano man ang dinadala mo sa loob mo sana hindi nun maapektuhan yung grades mo. We both know that you’re running for honors. Hindi mo yun makukuha kung patuloy kang magkakaganyan. Masasayang lang ang four years of labor mo,” advice nya.
“May mga bagay lang po talaga na nagpagulo ng isip ko lately,” sagot ko.
“Family problems?”
Umiling ako.
“Very personal ba yan?”
“Opo.”
“You want me to refer you to the guidance counselor? I’m sure she can help you,” offer nya.
“No, thank you. Okay lang po ako. I’m trying to be myself again.”
“O sige. I trust you, but just in case you need help, you’re very much welcome here.”
“Thank you po.” Lumabas na ‘ko sa office nya.
Ano na nga bang nangyayari sa ‘kin?
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Teen Fictionsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...