CHAPTER 22 -- Tricked

2.6K 17 1
                                    

CHAPTER 22 -- TRICKED

KEIZER OLIVARES



          “Keizer, tara na daw dun.” Hinila ni Angela yung braso ko.



          Pupuntahan ko sana si Sheri. I badly needed to explain. Sure akong nakita nyang bumaba si Angela sa kotse ko.



          Sumama ako kay Angela pabalik sa tent.



          Nag-start ang pictorial and hinahabol ko lang ng tingin si Sheri. Hindi rin nya ako nilalapitan o kinakausap man lang. Pero hindi ko malaman kung galit ba sya o hindi, kasi nasa mood naman sya habang nagpi-picture. Nakikipagtawanan pa nga sya sa iba, eh.



          “Ms. Jona, tapos na po sila. Yung next na po.” Narinig kong sinabi nya.



          Kami na yung next. Bakit sya pa ang kukuha sa amin? Pwede namang si Apple na lang o kaya si Tina.



          Nakangiti sya nang lumapit kami.



          Nalilito ako sa emotion nya.



          “Sheri,” pabulong na sabi ko.



“You know each other?” Biglang nag-react si Angela.



“Oo, kaibigan ko si Keizer,” sabi ni Sheri.



Napatingin ako sa kanya. Is she mad or what?



“Ahm, Ms. Jona, paano po yung pose nila?” Tanong nya kay Ms.



“Ah, ganito.” Lumapit sa amin si Ms. tapos inayos nya kami.



Naiilang akong gawin ‘tong pose kasi nasa harap namin si Sheri.



Nakayakap sa akin si Angela tapos kelangan ko syang akbayan.



“Okay, 1, 2,” she stopped counting. “Closer pa,” utos nya.



I didn’t do anything. Ano bang nangyayari kay Sheri?

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon