CHAPTER 18 -- PAANO MANGHIRAM NG PAYONG
SAM GONZALES
Nagpunta ako sa office nila Sheri and I checked kung nandun pa si Cindy.
May small glass ang bawat door dito sa school, kaya nakikita mo ang tao sa loob ng isang room. Nang sumilip ako dun, si Apple lang ang inabutan ko, kasama yung dalawang members pa nila.
I knocked and opened the door.
“Hi! Si Cindy?” Tanong ko kay Apple.
“Naku umuwi na si Ate Cindy, eh. Nagmamadali nga,” sagot nya.
“Bakit daw?”
“Ang dami daw nyang unfinished works, eh. Kinuha na nga ni Sheri yung mga pictures na aasikasuhin nya dapat kasi madami na nga syang gagawin.”
“Ah, okay, thank you.” I closed the door.
Nakakainis naman si Cindy, hindi ko tuloy sya maihahatid ngayon.
Umakyat ako sa office namin at kinuha ang gamit ko.
Uuwi na lang ako, since wala na naman ang hinihintay ko.
Paglabas ko sa building namin, sobrang lakas ng ulan. Mas lalo akong nag-alala para kay Cindy. Medyo malayo kasi ang bahay nila dito sa school kaya sigurado akong nasa byahe pa sya ngayon at inabutan ng malakas na ulan.
Wala din pala akong payong. Paano ako pupunta sa kotse ko?
I called Sheri, since sure ako na may payong sya.
“Beh, pahiram ako ng payong,” I told her when she answered the call.
(“Nasa bahay na ako, eh.”)
“Ah, sige. Thanks na lang.”
(“Ingat pag-uwi. Bye.”)
Binaba na nya.
Hay, bakit kailangang ngayon pa umulan ng sobrang lakas? May payong naman kasi ako, pero nasa kotse ko yun. Tsk.
Nakatayo lang ako dito sa may tapat ng parking area. Ang lapit-lapit ko na sa kotse pero hindi ko naman mapuntahan.
May isang babae namang dumaan na may dalang payong. Pero parang kilala ko sya.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Teen Fictionsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...