CHAPTER 11 -- GROCERY SHOPPING
SHERI GONZALES
Kakatapos lang ng opening ng photo exhibit namin nang biglang magtext si Sam.
“beh grocery tau mmya” -- Sam
“bkt ssma pa ako?ikw nlng.haha” --Ako
“isusumbong kita! XD” -- Sam
“ikw nmn d kn mabiro!ssma ako!hahaha!” -- Ako
“beh hntayin kita s lobby after class” -- Sam
“ok” -- Ako
Kaloka! Kailangan talaga kasama pa ako sa grocery.
After ng class ko, naglakad na ako papunta sa lobby. Nakasalubong ko naman si Keizer.
“Sheri, tara na?” Bungad nya.
“Saan tayo pupunta?” Gulat na tanong ko.
“Ihahatid kita sa inyo,” sabi nya.
“Ah! Naku, hindi pa ako uuwi, may pupuntahan pa ako.”
“Samahan na kita,” he offered.
“May kasama na ako, eh.” Nakita ko yung sasakyan ni Sam na padating. “Andyan na pala yung kasama ko. Sige ha, babye! Bukas na lang!”
Hindi ko na hinintay na sumagot si Keizer at tumakbo na ako.
“Sino yung kausap mo?” Tanong ni Sam nang makasakay ako sa kotse.
“Kaibigan ko.”
Nakarating kami sa grocery.
Kinuha nya lahat ng kailangan sa bahay na nilista ni Mama.
“Asan daw si Ate Fely?” Tanong ko.
“Nagkasakit daw yung nanay nya kaya umuwi muna sa probinsya.”
Kawawa naman yung nanay ni Ate Fely. Ilang beses na bang nagkasakit yun?
“Beh, alin dito ang mas masarap?” Tanong nya habang hawak yung dalawang boxes ng pancake mix na magkaiba ng brand.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Teen Fictionsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...