CHAPTER 42 -- TAKING ADVANTAGE
KEIZER OLIVARES
Worried pa din ako sa nangyari kagabi. Hindi nga ako nakatulog, eh.
Regarding the activity, isa lang ang sinabi ko kay God. Sana po maging okay na si Sheri, kung ano man pong dahilan ng pag-iyak nya, sana po tulungan Nyo sya.
“Carol,” tawag ko nang makasabay ko sya papunta sa refectory para sa breakfast.
“Bakit?”
“Kaya ba hindi mo ako pinaalis dun sa couch kagabi, eh dahil alam mong umiiyak si Sheri?” Tanong ko.
“Hindi ah! Hindi kita pinaalis dun kasi baka maisip ni Sheri na kausapin ka,” sagot nya.
“Hindi nya ako kinausap kagabi pero nakita ko syang umiiyak kaya nilapitan ko sya.”
“Hmm…hindi ko alam kung bakit sya umiiyak. Masaya pa naman sya nung nakausap ko sya eh,” kwento ni Carol.
“Anong napag-usapan nyo?”
“Naku! Dapat magpasalamat ka sa ‘kin!” Sigaw nya.
“Bakit naman?”
“Kung hindi dahil sa ‘kin, hindi malalaman ni Sheri na kayo pa,” sagot nya.
“Ano?” Gulat na tanong ko.
“Hindi alam ni Sheri na magkaiba pala ang cool off at break-up. Eh di ba sabi mo space naman ang hiningi nya? So cool off kayo. Kaso, itong isa, ang buong akala eh break na kayo.”
“Inexplain mo naman sa kanya na magkaiba yun?” Tanong ko.
“Oo at sinabi ko sa kanya na kayo pa. Sinabi ko din na mag-usap kayo kasi sayang naman yung relationship nyo kung mapupunta lang sa wala.”
“The best ka!” Buti na lang sinabi yun ni Carol sa kanya.
“Syempre! Pagpasensyahan mo na lang din yung kaibigan ko ha, hindi nya lang talaga alam ang pagkakaiba ng cool off sa break-up. First timer, eh.” Natatawang sagot nya.
Pagpasok ni Sheri sa refectory, naka-eyeglasses sya pero halata namang mugto yung mata nya. Mukhang wala pa din sya sa sarili nya.
Nagkasabay naman kaming natapos kumain kaya nakasabay ko din sila sa paglabas.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Teen Fictionsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...