CHAPTER 35 -- Excited sa Future

2.5K 24 0
                                    

CHAPTER 35 -- EXCITED SA FUTURE



(2-in-1 muna ang drama ng chapter na itey..hahaha..)





KEIZER OLIVARES



          After ng usapan namin sa may pool, umakyat na kami sa room ko. Niyaya ko syang manood ng movie.



          Natutuwa ako sa position namin ngayon. Para na kasi kaming mag-asawa, eh.



          Naka-upo ako dito sa couch tapos yung ulo nya nakasandal sa right chest ko. Naka-slouch sya at yung mga paa nya nasa couch din. Yung right arm ko naman naka-ikot sa bewang nya at nakapatong na yung kamay ko sa tyan nya. I feel so comfortable sa position namin. Basta, I’m happy kasi everything’s okay already.



          Naaamoy ko na naman yung scent nya. Kahit yata naka-blindfold ako alam ko kung sya ang nasa harap ko dahil sa amoy nya.



          Bigla ko tuloy syang nahahalikan sa ulo.



          “Sheri, kapag nagpakasal tayo saan mo gustong tumira?” Tanong ko.



          “Gusto ko may sarili tayong bahay,” sagot nya.



          “Ilan ang gusto mong maging anak natin?”



          “Hmm…ikaw muna, ilan ang gusto mo?”



          Ilan nga ba?



          “5,” sagot ko. Para kasing sobrang saya kapag madami, eh.



          “Lima?!” Gulat na tanong nya. “Bakit ang dami naman?”



          “Eh kasi the more the merrier,” katwiran ko. “Ilan ba ang gusto mo?”



          “Grabe ka. Masaya na ako sa dalawa.”



          “Hindi naman masyadong masaya kapag dalawa lang ang anak.”



          “Eh hindi rin naman masaya ang manganak ng limang beses ‘no.”

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon