CHAPTER 25 -- CLOSE ENCOUNTER
SHERI GONZALES
“Sheri, okay ka na ba? Hindi ka na nahihilo?” Tanong ni Apple.
“Okay naman talaga ako kanina. Hindi talaga ako nahihilo.”
Nakakunot yung noo ni Apple.
“Apple,” tawag ko.
“Hmm?”
“Kami na,” I told her and I smiled.
“KYAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!! Congrats!” Masayang masaya sya.
“Thanks.”
“Kelan pa?”
“Kanina lang.”
“Ayieeee! Masaya ako para sa inyo, lalo na sayo. First time ha!”
“Oo nga, eh.”
“Alam na sa bahay nyo?”
“Oo naman. Si Keizer ang nagsabi.”
“Alam na ni Kim?”
“Oo, sinabi ko kanina.”
“Eh si Tina?”
“Hindi pa.”
“Bumalik na tayo dun sa function hall! Dali!” Hinigit nya ako.
“Bakit?”
“Sasabihin natin kay Tina! Sure akong magiging masaya din sya!”
Pumunta na kami dun sa hall. Kaya lang naman kami pumunta sa office kasi naiwan ni Apple yung memory card nya.
Konti lang yung tao dito sa hall. Konti lang daw kasi ang nag-confirm. Pinakamarami ang mga seniors.
“Bakit ang tagal nyo?” Tanong ni Keizer.
“Matagal na ba yun? Parang wala pa kaming 5 minutes ah.” Bakit OA naman yata sya? Hahaha!
“Come with me,” invite nya. Tapos hinawakan nya yung kamay ko.
Nahihiya ako kasi first time naming mag-holding hands sa harap ng maraming tao. Actually, may mga nakatingin nga sa amin, eh.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Teen Fictionsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...