CHAPTER 10 -- A+ FOR EFFORT
SHERI GONZALES
Nakakabwisit na lalaking yun! Nakakainis.
Naramdaman kong may sumusunod sa akin at sigurado akong yung bwisit na kumag na naman yun!
“Sinusundan--” Pagharap ko, hindi ko na naituloy yung sasabihin ko.
Si Keizer yung nakita ko.
“Oo, sinusundan kita,” sagot nya.
Tinalikuran ko sya kaagad at nag-start na maglakad ulit papunta sa room namin.
“Sheri.” Napatigil ako nang tawagin nya ang pangalan ko.
“Nakapag-isip ka na ba?”
I faced him.
Nakapag-isip na nga ba ako?
Could there be a second chance for us?
Hindi ako makasagot.
Hay! Ang hirap naman mag-decide!
Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa 'yo na aaminin
Ika'y mahal pa rin
Nagulat ako nang kumanta si Keizer sa harap ko. Anong pinaggagagawa nya?
Napakunot naman ang noo ko sa kung ano bang tumatakbo sa isip nya.
At kung sakali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na natin dapat pang dayain
Bigla nyang kinuha yung kamay ko tapos nilagay nya sa tapat ng puso nya. At saka nya kinanta yung last line.
Hayaan natin puso ang magpasya
Natatawa ako! Swear! Pigil na pigil lang ako kasi baka mapahiya si Keizer.
As a guy, mahirap para sa kanya ang ginagawa nya. Effort much!
Pero, hindi ko na talaga kayang pigilan ang tawa!
Napangiti na ako at nag-start na akong tumawa.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Fiksi Remajasapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...