CHAPTER 43 -- He's A Mess Without You

2.4K 17 0
                                    

CHAPTER 43 -- HE’S A MESS WITHOUT YOU

SHERI GONZALES



          After ng retreat, kailangan namang mag-focus sa final exams. Mauuna kasing mag-exam ang mga graduating students, kaya next week exam na namin.



          “Saan ka magtatrabaho?” Tanong ni Apple habang naglalakad kami papunta sa room namin.



          “Hindi ko pa alam. Ikaw?” Sagot ko.



          “Hmm…gusto kong mag-turo,” sagot nya.



          Bigla kong naalala si Harold. Kamusta na kaya ang baliw na yun? Matagal din kaming hindi nagkikita.



          “Sheri di ba si Angela yun?” Tinuro nya yung babaeng nakatayo sa labas ng classroom namin.



          Tiningnan ko yung tinuro nya at nakita kong si Angela nga yun.



          “Anong ginagawa nya dito?” Mahinang tanong ko.



          “Bakit naman kaya naligaw yan sa building natin?” Tanong din ni Apple.



          Dumiretso kami ni Apple sa room namin.



          “Sheri, mag-usap tayo,” sabi sa ‘kin ni Angela nang makita nya ‘ko.



          “Sige Apple, pumasok ka na.” Sumunod naman si Apple sa sinabi ko.



          Naiwan kami ni Angela sa labas.



          “Anong kailangan nating pag-usapan?” Tanong ko.



          Hinila nya yung braso ko at dinala nya ako sa CR na malapit dito sa room namin. Ni-lock nya pa nga yung CR, so kaming dalawa lang dito sa loob.



          “Bakit ba?” Naiinis na tanong ko.



          “Balikan mo si Keizer,” diretsong sabi nya.



          “Ano?” Gulat na tanong ko.



          Anong nakain nito? Dati halos ibaon nya ‘ko ng buhay para lang makuha sa ‘kin yung ex nya, tapos ngayon uutusan nya akong balikan si Keizer.



          “I never thought sasabihin ko ‘to sayo, but he’s a mess without you.”



          “Ano bang pinagsasasabi mo? Maayos naman sya, ah,” sagot ko.



          Nung nasa retreat kami, hindi naman sya mukhang malungkot, pero seryoso yung aura nya. Anong mess ang sinasabi nya?



When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon