CHAPTER 12 -- Napadaan Lang

3.1K 24 3
                                    

CHAPTER 12 -- NAPADAAN LANG

KEIZER OLIVARES



          “Saan ka pumunta kanina?” Tanong sa akin ni Earl, ka-team ko.



          “Sa may pool area lang,” sagot ko naman.



          “Akala ko kung saan ka na nagpunta. Bigla ka na lang nawala dun sa videoke room.”



          “Oy! Kamusta kayo dito?” Tanong ni Tina nang bumisita sya saglit sa room namin.



          “Okay lang kami,” nakangiting sagot ko.



          Tumingin silang lahat sa akin pati si coach.



          “Anong nangyari sayo?” Tanong ni coach.



          “Bakit po?” Nagtatakang tanong ko.



          “Nung isang araw ka pang wala sa mood ah, hanggang kanina, tapos ngayon pangiti-ngiti ka na,” puna ni coach.



          “Okay na po, eh.” Sagot ko.



          Na-gets ni Tina yung sinabi ko.



          “Okay na kayo?” Masayang tanong nya.



          Tumango ako.



          “Wow!” May palakpak pang kasama yung wow ni Tina.



          “Teka ano bang pinag-uusapan nyong dalawa?” Naguguluhang tanong ni Kevin, ka-team ko din.



          “Eh kasi, may LQ sila ni Sheri!” Kwento ni Tina.



          Ang daldal nito, kakainis.



          “Girlfriend mo yung magandang photographer?” Gulat na tanong ni Earl.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon