CHAPTER 32 -- WON’T GET TIRED OF PLAYING HIDE AND SEEK
KEIZER OLIVARES
Paglabas ko sa classroom, pinuntahan ko kaagad si Sheri sa office nila. Pero nung sumilip ako sa pinto si Apple lang ang nasa loob.
I knocked and opened the door.
“Nasaan si Sheri?” Tanong ko kay Apple.
“Umalis sya, eh,” sagot nya.
“Saan nagpunta?”
“Hindi nya sinabi. Nung dumating sya dito kanina inis na inis sya tapos kinuha nya yung bag at camera nya at umalis na. Tinanong ko naman kung saan sya pupunta, ang sagot nya sa akin hindi daw nya alam,” kwento ni Apple.
“Bakit daw sya naiinis?”
“Wala syang sinabi, eh. Wala ka bang ginawang kung anuman na nagpainis sa kanya?”
Nung nag-lunch naman kami kanina okay pa kami, eh.
“Wala,” sagot ko.
“Hmm…bakit kaya na-BV yun?”
“Hindi ba alam ni Kim?”
“Absent si Kim, may sakit sya.”
“Ganun ba? Tatawagan ko na lang si Sheri.”
“Wag ka ng mag-abala, kapag bwisit sya it’s either naka-off ang phone nya o kaya naman naka-silent. Nonsense kung tatawagan mo sya kasi hindi rin sya nagche-check ng phone.”
Ano kayang nangyari? Bakit nawawala na naman sya?
“Try mo kaya sa butterfly garden, dun yun pumupunta kapag BV sya, eh.” Advice ni Apple.
“Ah oo nga. Sige ha.” Umalis na ako.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko para makarating ako kaagad sa garden.
Nagpunta ako sa information desk para magtanong.
“Excuse me,” sabi ko dun sa babaeng nandito.
“Yes Sir, how may I help you?”
“May pumasok ba ditong babaeng mahaba ang buhok, medyo mapayat, maganda, may dalang camera at gray na bag?” Tanong ko.
“Naku Sir wala po akong napapansin,” sagot nya sa ‘kin.
“Sigurado ka? Naka-green syang shirt.” Describe ko sa suot ni Sheri.
“Wait lang po ah.” May tinawag sya na kasama nya.
“Sir ano pong kailangan nyo?” Tanong nung tinawag nung unang nag-assist sa ‘kin.
“Gusto kong malaman kung may babaeng pumunta dito kanina na may dalang camera. Mahaba yung buhok nya tapos medyo mapayat at maganda sya. Madalas syang pumupunta dito.”
“Si Sheri po ba ang hinahanap nyo?”
Kilala na pala sya dito. Madalas syang bad mood?
“Oo, sya nga. Nagpunta ba sya dito ngayon?”
“Naku last week pa po yung huli nyang punta dito. Ito po tingnan nyo.” Ipinakita nya sa akin yung log book nila.
Nakasulat dun yung name ni Sheri at last week pa ngang entry yun. Yung entry naman ngayon, wala yung name nya.
“Okay. Thank you.” Umalis na ako sa garden.
Nasaan ka Sheri?
Pinili kong puntahan sya sa bahay nila, baka kasi umuwi na sya. Pero yung kasama nila sa bahay yung nakausap ko.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Novela Juvenilsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...