CHAPTER 41 -- Kelan Kaya Tatama ang Akala?

2.5K 24 9
                                    

CHAPTER 41 -- KELAN KAYA TATAMA ANG AKALA?

SHERI GONZALES



“Pwede tayong mag-usap?” Tanong nya.



          “Bakit naman hindi? Namiss kita,” sagot ko.



          “Ako din, sobra! Patabi, ha.” Umupo sya sa tabi ko.



          “Activity nyo din yung mag-solo at i-imagine si Lord?” Tanong ko.



          “Oo, kayo din?”



          “Yeps! Tapos ka na?”



          “Hindi pa ako nag-uumpisa,” natatawang sagot nya.



          “Ano palang pag-uusapan natin?”



          “Naalala mo nung high school? Tayo ang magkasama sa room nung retreat, di ba?”



          “Oo nga, eh. Naalala mo yung takutan natin sa corridor? Yung napagalitan ang klase dahil sobrang ingay natin? Hahahahaha!” Naalala ko na naman yun!



          “Ay oo! Tapos maaga din tayong gumising para mag-jogging.”



          “Grabe, nakakamiss ang high school ‘no?” Ibang-iba ang high school sa college.



          “Oo naman, lalo na yung mga friends natin noon,” sagot nya.



          “Sabihin mo na,” utos ko sa kanya.



          “Ang alin?”



          “Yung sasabihin mo. Hay naku Carol, four years man tayong hindi madalas mag-usap alam ko pa din naman kahit papano yang ugali mo. Hindi mo ‘ko yayayaing mag-usap kung hindi importante ang sasabihin mo.”



          “Ang galing, ah! Kilala mo pa din ang ugali ko. Hahahaha!”



          “Ano ba kasi yun? Wag mong sabihing break na kayo ng labiduds mo?” Tanong ko.



          “Hindi ‘no! Tungkol kay Keizer ang sasabihin ko sayo.”



          Umiwas ako ng tingin sa kanya nung binanggit nya yung pangalan ni Keizer.



          “Ka-group ko sya sa mga sharing namin. At kanina ko lang nalaman na may problema pala kayo. Shocking yun ha!” Hinampas nya pa yung braso ko.



          “Umiyak nga sya kanina dahil dun,” pagtutuloy ni Carol.



When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon