CHAPTER 19 -- MASOKISTA LANG ANG PEG
TINA OCAMPO
“May kasabay ka pauwi?” Biglang tanong ni Sam.
Umiling ako. “Wala.”
“Gusto mo ihatid na lang kita sa inyo?”
“Ha?” Seryoso sya?
“Ihahatid kita sa inyo, kung okay lang.”
Then, I suddenly realized something.
I smiled. “Wala kang payong?” Tanong ko.
Tumango sya. “Sorry, ha.”
“Okay lang yun.” Binuksan ko yung payong ko. “Tara,” yaya ko sa kanya.
“Ako na ang magdadala nyan.” Tapos bigla nyang kinuha ang payong ko.
Nung makapunta kami sa kotse nya, binuksan nya yung pinto ng passesnger seat.
“Hindi na.” Isinara ko yung door.
“Anong hindi na?”
“Wag mo na akong ihatid. Okay lang sa akin yun.” Ngumiti ako.
Baka mamaya isipin pa nya na humihingi ako ng kapalit sa pagtulong ko.
Pero binuksan nya ulit yung pinto.
“I insist. Sumakay ka na. Don’t worry, mabait naman ako, hindi kita dadalhin sa kung saan,” natatawang sabi nya.
Napatawa ako sa sinabi nya. “Malayo ang bahay namin.”
“Tsk. Sige na, sumakay ka na. Nababasa na tayo dito, o.”
“Thank you.” Sumakay na ‘ko, mapilit, eh. Hahahaha!
Sya na din ang nagsarado nung pinto.
Kung hindi ko lang alam na ginagawa nya ‘to kapalit ng pagpapahiram ko sa kanya ng payong at kung hindi ko lang din alam na may iba syang gusto, siguro binigyan ko na ng kulay ang ginagawa nya ngayon para sa akin.
Pinaandar na nya ang kotse.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Teen Fictionsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...