CHAPTER 3 -- AKO ANG BEST ACTRESS!
SHERI GONZALES
“Bilisan na natin! Iwanan mo na sya!” Sigaw nung babae.
“Hindi pwede! Kailangan ko syang balikan!”
“Nandyan na sya! Iwan mo na si Remy!” Naiiyak na sabi nung babae.
(Biglang pinakita sa big screen yung nakakatakot na mukha nung killer na mumu!)
“AAAAAHHH!!!” Sabay-sabay na sigawan ng mga babae dito sa sinehan.
Nakakatakot tong pinapanood namin! Promise!
(Malamang Sheri na nakakatakot yan! Sabihin pang horror kung nakakatawa!)
Huhuhu!
Buti pa sila ateng katabi ko wagas makasigaw. Ako kasi sa isip lang. Ayokong ipakitang natatakot ako. Nakakahiya kay Keizer!
Baka sabihin nya, ako itong pumili ng papanoodin namin tapos duwag naman pala ako! Huhuhu talaga!
Nung matapos yung movie, dun ko lang nalaman na sobrang tense pala ako. Halos manigas na ang buong katawan ko sa sobrang takot at saka lang ako nag-loosen after ng film. Garabeh!
“Okay ka lang?” Tanong ni Keizer.
“Ah-- oo naman,” medyo may halong kaba pa ding sagot ko. Obvious ba ako masyado?
“Let’s go?”
Tumayo na kaming dalawa at lumabas sa sinehan.
“Saan mo gustong kumain?” Tanong nya.
After kong manood ng horror film, may gana pa ba akong kumain???
“Ikaw na ang bahala.”
“Wala kang particular na gustong kainin?”
“Wala.”
“Okay. Dun na lang tayo kumain sa isang resto na sinasabi nung friend ko. Masarap daw dun,” nakangiting sabi nya.
Narating namin yung resto na sinasabi nya.
“Good afternoon!” Bati nung waitress sa amin.
“Hi! Table for two,” sabi ni Keizer dun sa waitress.
Agad naman kaming pina-upo nung waitress at inabutan ng menu.
I browsed the menu.
Naiisip ko pa din yung movie! Nakakainis!
“Anong sayo?” Tanong ni Keizer.
“Yung carbonara na lang at orange juice.”
“Yun lang?”
“Oo.”
Gusto ko sana nung spaghetti kasi mukhang masarap based dun sa picture sa menu, pero naiisip ko yung red sauce nung spag, mukhang yung dugo dun sa movie! Bloody! Pesteng movie yan sana pinagtyagaan ko na lang yung action!
Habang hinihintay namin yung order namin, nag-getting to know kami.
“Anong full name mo?” Una nyang tanong.
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Підліткова літератураsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...