CHAPTER 27 -- HE MADE ME SMILE WITH TEARS
TINA OCAMPO
Simula nung inihatid ako ni Sam sa bahay namin noong umuulan, nagsimula na din dun ang friendship namin.
Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na nyang binasag ang kawawa kong puso.
(“Tina, kakapalan ko na ang mukha ko ha. Pero pwede ba akong humingi ng favor?”) Tanong nya nang makausap ko sya sa phone nung isang araw.
“Sure, ano ba yun?”
(“Pinag-isipan ko kasing mabuti yung sinabi mo noon, na kung mahal ko si Cindy sasabihin ko sa kanya yun.”)
“O.” Hinihintay ko lang yung favor.
(“Kaya naman, hihingi sana ako sayo ng tulong para dun. Ready na akong sabihin sa kanya .”)
“O sige,” sagot ko.
Para akong nag-suicide.
After the phone conversation, tumupad ako sa usapan. Tinulungan ko sya.
Tinulungan ko sya sa pagpili ng bouquet, sa pagpili ng pagkain, pati sa dapat nyang isuot at sa halos lahat.
Kahit alam kong hindi para sa akin yung mga bagay na yun, naging masaya pa din ako kasi nakakasama ko si Sam. Those were stolen moments.
Until dumating yung araw na kailangan ko na syang hayaang mapunta sa iba.
When he asked me to stay that night, kahit dun lang sa may gilid ng door, I chose to stay. Nag-stay ako kahit mukha akong kawawa dun, kahit na sa tingin ng buong mundo, isa akong malaking tanga dahil alam ko namang masasaktan ako sa mangyayari eh pinili ko pa din mag-stay.
Bakit ko yun ginawa?
BINABASA MO ANG
When Love Ain't Just Enough
Jugendliteratursapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...