Plagiarism is Crime
Amateur lang po ang author nito. Don't expect too much charrrot...binuo lamang po ito ng lagalag kung utak. Thanks in advance po sa magbibigay ng pansin sa sinulat ko. Sorry sa typos, feel free to leave comments.
*****
Sandy"Wala na kami ni Leste, Sandy."
Muli na namang dumaloy ang masaganang luha sa pisngi ni Mesty habang patuloy sa pag-ngawa. "This time totoo na wala na talaga kami."
"Sinungaling ang hayop na yon. May pasumpa-sumpa pa. Ako lang daw ang mahal nya. Tapos malalaman ko na lang na....na idinedate nya na pala ang higad na yon. Waaaaaaaa................aaah. As in, di man lamang sya pumili ng ka level ko. Pinili nya pa yong hipon na nagkatawang tao. Look at me Sandy, ang laking ganda ko don."
Mahigpit ang ginawa kung pagtitimpi para di ko mabeltokan ang babaeng ito.
Andito kami sa isang fastfood resto para sana kumain. Pero nakakadalawang order na ako ng burger, hindi pa rin sya tapos sa pag ngawa nya. As in di man lang siya nahiya.
Alam kaya ng bruhang to na pinagtitinginan na kami ng mga kumakain dito?
At may hiya pa bang natitira dito sa bestfriend kong ito?
I returned my full attention sa burger kong hawak at kumagat.
Napapikit ako.
Grabe!...... sarap talaga ng triple whopper burger na ito.
Paano kaya nila ginagawa ang patty nila, sobrang sarap. Makapag search nga sa internet mamaya kung paano gumawa ng masarap na patty tapos itatry ko gawin sa bahay.
Good idea! Napangiti ako.
"Nakikinig ka ba sakin Sandy?"
Inilayo ko ang mata ko sa burger at bumaling kay Mesty. "O-Oo....oo naman, syempre. So........... nasaan na yong promise nya sayo na forever kayo?"
"E di ayon, kasama niyang umalis." Bakas ang inis sa boses nya sabay lapag sa basa nang tissue.
"Ipapasalvage ko talaga ang lalaking yon. Sino ba kasi ang nakaimbento ng forever na yan ang sarap ipa tokhang? Napaka sinungaling isinusumpa ko na yan."
Napailing ako. "I told you before, hindi mapagkakatiwalaan yang lalaki na yan. Nakinig ka ba sakin? Hindi di ba? Tapos ngayon iiyak-iyak ka dyan. Bakit di ka lumuha dyan ng dugo at baka sakaling bumalik sayo ang kurimaw na yon."
"Ayan na nga ang pinupunto ko." Naasar na sabi niya. "Hindi ko man lang napatunayan sayo na iba sya sa lahat ng naging boyfriend ko." Muli na naman syang umatungal.
Kumuha siya ng tissue sa bag at buong arteng suminga. Eto yong sinasabi nya sakin na "singa with class".
Meron bang ganon?
Eh ang alam ko lang kasi, kaya ka sisinga is you want to eliminate something unwanted visitor on your nose.
Bakit kailangan pang me class?
Pinandilatan ko siya. "Tumigil ka nga sa pag-ngawa dyan. Pag di ka tumigil tutusukin ko yang esophagus mo nitong bread knife ko."
Itinaas ko ang plastic bread knife na nasa tabi ko.
"Maka-iyak ka naman dyan kala mo naman inabot nyo ang first anniversary nyo. Three months lang kayo oy."
"Why so harsh naman Sandy. Kita mo nag-eemote yong tao. Have a heart naman sa pinakamamahal mong bestfriend, nasasaktan kaya ako." Nagtatampong sabi nya.
"Nasasaktan kaya ako." Panggagaya ko sa kanya. "Eh kung di ka naman kasi isa't kalahating tanga. Ang dali mo mahulog sa mga lalaki. Hindi ba ganyan din ang nangyari sa inyo ni Mark?"
BINABASA MO ANG
Alpha's Mate
WerewolfI was left dumbfounded after he let go my lips. "I just thought you don't believe in love at first sight, so i kissed you. Maybe love at first kiss will do." Naningkit ang mata ko. For almost twenty years kung preniserved ang lips ko para sa future...