Chapter 15

4.1K 120 1
                                    

"Ikaw Clarrise nagawa nyo na ba ni Jonathan?"

Napahinto ako sa pagpasok sa kitchen ng marinig ang tanong ni Mesty.

"Hindi pa eh."

Napalingon sila sa gawi ko.

"Nasaan si Brent?" Kunot-noong tanong ko kay Lenard. Kanina ko pa kasi siya hindi nakikita. Pag gising ko wala na siya sa room namin. Mga babaeng pack members lang ang nakikita ko at ang grupo ni Erick.

Umalis na rin ang parents ni Brent kaya kami na lamang ulit ang natira dito sa bahay.

"May inaayos lang siya Luna. May problema kasing kakaharapin ang pack."

"Anong problema?" Lumapit ako sa coffee maker at kumuha ako ng kape. Matapos kong kumuha ay naupo ako sa tabi ni Erick.

"Gusto mong sandwich Luna?" Alok ni Van.

Umiling ako. I think this coffee is enough para mawala ang sakit ng tiyan ko.

"Okay ka lang Sandy?"

Tumango ko kay Mesty at bumaling Kay Lenard. "Anong problema ang sinasabi mo na kakaharapin ng pack."

"Ahmmm kasi Luna nalalapit na ang full moon."

Ano nga bang meron sa full moon?

I sip my coffee at kunot-noong tiningnan ko sila. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung anong meron sa full moon na yan. "Bakit anong problem sa full moon?"

Napansin kong nagkatinginan sila.  Tinaasan ko sila ng kilay, mukhang walang may balak sa kanilang magsalita. "Ano manghuhula na lamang ako?"

Tumikhim si Lenard. "Luna kasi during full moon nakakaramdam ang mga she-wolf ng tinatawag naming heat. She-wolf may become irritable, snappish, and aggressive, like a terrible case of PMS sa normal na tao. After that though, unmated females will be driven by the need to find a mate. Sobrang eager ang wolf nila na makipag mate sa kanilang mate."

Napalunok ako at bumaling kay Mesty. Hindi pa rin ako sanay kahit na ilang bese nilang e explain kung ano yang heat na yan.  "Ahmm affected ka ba rin ng heat na yon?"

"Not really." Ngumiti ng makahulugan si Meaty at bumaling Kay Lenard. "Kasi you know we already......"

Itinaas ko and kamay ko para patigilin si Mesty sa pagsasalita.

"What?" Natatawa si Mesty ng pandilatan ko siya. "Pero syempre having a mate nararamdaman namin na parang sobrang horny kami ganon."

Binalingan ko si Clarisse. "Ikaw?"

"Luna di pa namin ginagawa ni Jonathan yon."

Napabuntong hininga ako at hinarap si Kris at Van. Kapalan na to ng mukha. "Kayong dalawa?"

"Luna mandiri ka sa sinabi mo. Kung yan din lamang na lalaking yan kahit mamatay na ako sa heat na yan." Nagdadabog na sagot ni Kris. Ano ba talagang stado ng dalawang?

"Makapag salita ka naman kala mo papatusin din kita. Lasingin mo muna ako Kris baka sakaling mawala ako sa sarili ko at patulan kita." Nang-aasar na turan ni Van na masama ang titig kay Kris.

"Kung ikaw lang din wag na. Sa dami ng pinapatos mong malanding wolf diyan baka may aids ka na mahawa pa ako."

"Choosy ako no di ako basta-basta sa kung sino-sino lang." Hinagod ni Van si Kris mula ulo hanggang paa. "May taste naman ako kahit papano at hindi ako napatol sa cheap."

Alpha's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon